“Balik nalang kaya ako ng spain?” Nakangiwing tanong ko sa mga kasama ko. Nakatayo kaming apat ngayon sa may gate ng bahay, kinakabahan pa ako na pumasok. “Ano ka ba? Balik na sa sasakyan, naka bukas na ang gate!” Bumuntong hininga ako at bumalik na sa sasakyan. Wala akong pag pipilian kung hindi bumalik. Nakakainis. Pinasok na ni Zio ang sasakyan niya, nag park siya sa parking space na bakante tsaka kami isa isang lumabas ng bahay. “Let’s go, I didn’t tell mom and dad that you’ll be home today, ate,” Tumango ako sa sinabi ni Zio. Nauna na siyang pumasok sa bahay, sumunod si Rafael, Thiago si Dana at ako ang pinaka huli. “Dana, what a surprise!” Narinig ko agad ang boses ni mama. Agad na gumapang ang guilt sa loob ko. How I miss her voice. “Hi tita!” “Akala ko kasama mo si Zina sa spain?” nalungkot ang boses ni mama. Ngumuso ako, hindi niya ako makita kasi natatabunan ako nila Thiago. “Actually tita, kami ang may surprise sa’yo,” dahil sa sinabi ni Dana ay umalis sa harapan
Última atualização : 2026-09-01 Ler mais