Carielle Lorenzina Del Castillo “Okay remember what I told you okay? Don’t fight, and Azriel always look out for your sister,” bilin ko. Tumango si Azriel sa sinabi ko, niyakap ko muna silang dalawa. Ihahatid sila ni Zio ngayon dahil hindi ako pwede na mag hatid, hindi ako pinapayagan ni Kaden na mag drive ng sasakyan, ayon sa kanya ay baka ma disgrasya ako.Hinahayaan ko nalang siya dahil nag aalala lang naman siya sa akin, ayoko rin na mag away kaming dalawa dahil lang sa maliit lamang na bagay. Pero hindi ko maiwasang hindi mangumpara, nasasakal ako minsan kay Kaden dahil ang dami niyang hindi gusto na ginagawa ko na noon pa na hindi naman ipinag bawal sa akin ni Elias noon. “Babe, let’s eat,” nakangiting tawag sa akin ni Kaden. Ngumiti ako pabalik. “Wait, ihahatid ko muna ang kambal sa sasakyan ni Zio,” Agad na lumamlam ang ekspresyon niya sa mukha nang banggitin ko ang kambal, isa pa ito sa pinag tatalunan namin palagi, ang kambal. Wala namang ginagawa sa kanya ang mga bat
Última atualização : 2026-09-05 Ler mais