Share

5

Penulis: ExDealers
last update Tanggal publikasi: 2026-06-29 06:13:23

Lumabas ako ng kwarto pagkatapos kong makipag-usap sa anak ko. Mabilis ko ring ibinulsa ang phone ko matapos mag-reply sa kausap ko sa Lovelink.

Ngunit pagpihit ko para humakbang, natigilan ako.

Nakasandal si Rogue sa pader ng hallway, nakapamulsa habang seryosong nakatitig sa akin. Wala na 'yong mask niya, at naka-white polo na lang siya na nakatupi hanggang siko. Ang dilim ng mukha niya, malayo sa doktor na nakita ko sa ER kanina.

Nabalot ng kaba ang puso ko at bumilis ang tib0k niyon. Anong ginagawa niya rito sa quarters ng mga social worker? Inaabangan ba niya ako?

Sa huli, pinili ko pa ring tumuloy. Diretso lang ang tingin ko at lalampasan ko na sana siya nang bigla niya akong hatakin nang marah4s. I gasped when he pinned me against the wall, locking me in with his imposing frame.

"Are you here to seduce me again?" malamig niyang tanong, puno ng galit ang boses. Ang higpit ng pagkakahawak niya sa 

pulso ko, halos bumaon ang mga kuko niya sa balat ko. Nasasaktan na ako. "For money? To use me again, Sue?"

Napapikit ako nang mariin, tinitiis ang sakit. "N-Nasasaktan ako, Rogue. Bitiwan mo ako!"

Mapait siyang tumawa, na para bang wala siyang pakialam. "How does it feel, Sue? Masakit? Kulang pa 'yan sa ginawa mo sa akin!" Marah4s niyang binitawan ang kamay ko, pero hindi siya lumayo. "Try harder, Sue. Hindi ka na makakaulit sa akin. Kung noon, nakuha mo ako sa panlalandi at pagiging inosente mo, hindi na ngayon. I know a lot of people like you, playing innocent to get fvked and for money!"

Nanlamig ang buong katawan ko sa narinig. Ang sakit. Paano niya nasasabi sa akin ang mga salitang 'to?

Bago ko pa mapigilan ang sarili ko, buong lakas ko siyang sinampal.

"Wala kang karapatang pagsabihan ako ng ganyan, Rogue!" pumiyok ang boses ko sa tindi ng emosyong nararamdaman ko, habang nanginginig ang mga kamay ko. "Niloko mo ako! Nakipaghalikan ka sa ibang babae habang tayo pa, tapos ngayon babaliktarin mo ako?!"

Bago ko pa maibuhos lahat ng naipon kong galit at sakit sa walong taon na matagal kong kinimkim, nakarinig ako ng mahinang pagbukas ng pinto.

Namilog ang mga mata ko sa takot nang bumukas ang pinto ng quarters ko at lumabas doon ang pitong taong gulang kong anak na si Ron, hawak ang isang baso ng tubig. Natigilan ang bata nang makita kami sa ganung posisyon.

At si Rogue... dahan-dahang lumingon. Nakalimutan kong huminga nang sandaling magtama ang tingin nila.

The boy looked exactly like him, the eyes, the same nose, and the same shape of face. Kahit sino ang tumingin, alam na agad kung kanino itong dugo't laman.

"Mommy?" takang tanong ni Ron, nakatingin sa amin.

Mabilis kong itinulak si Rogue at hinarangan si Ron. Itinago ko siya sa likod habang lumulukso ang puso ko sa sobrang panic. "R-Ron... pumasok ka sa loob. Huwag kang lalabas hangga't hindi ko sinasabi."

Tumingin muna si Ron kay Rogue bago dahan-dahang lumakad pabalik sa kwarto at isinarado ang pinto.

Nanginginig akong humarap kay Rogue. "U-Umalis ka na, Rogue!"

Mas lalong dumilim ang mukha niya. "Tell me, sino ang batang 'yon? Sabihin mo sa akin! May ibang lalaki bang nakabuntis sa'yo no'ng umalis ka?!"

"Oo, Rogue! Meron! Anak ko siya sa ibang lalaki! Kaya please, umalis ka na! Huwag muna kaming guluhin pa!"

Nagtagis ang bagang niya. "Y-You're lying, Sue..."

Mapakla akong tumawa. "Anong akala mo sa akin magiging loyal sa'yo? Hindi, Rogue, mas masarap ang pinalit ko sa'yo! Kaya nabuntis niya ako!"

Napapikit ako nang suntukin niya ang pader. "You'll pay for this, Sue! I'll make your life living hell!"

Tinalikuran niya ako. Pagkaalis niya, dumaosdos ako sa sahig kasabay ng pagbuhos ng mga luha ko.

Hindi ba dapat ako ang nagagalit?

***

Rogue's POV

"Check the employee records of Sue Reyes in this hospital. I want her complete background check, biological records, and her dependent's birth certificate on my desk in five minutes. Do it now!" sigaw ko pagpasok ko sa opisina ko.

"Masusunod po, Doc." Lumabas agad ang pinagkakatiwalaan kong nurse.

Napahilot ako ng sentido. She's a terriable liar! Hindi ako naniniwala na anak niya 'yon sa ibang lalaki! Mahal ako ni Sue! Imposibleng magpagalaw siya sa ibang lalaki!

At iyong bata kanina... kamukhang-kamukha ko.

Lumabas ako ng opisina ko para magpalamig ng ulo. Habang naglalakad ako papuntang canteen, nakita ko 'yong bata na lumabas kanina sa kwarto. I pretended that I was lost.

"Hey kiddo, do you know where the canteen is?" Sumabay ako sa kanya sa paglalakad. "I'm new here. Galing ako sa main hospital. Ikaw 'yong bata kanina sa quarters, 'di ba? Can you help me?"

He looked up to me. Humalukipkip siya na parang walang narinig. Natawa ako. Suplado. "You can read, mister... stop pretending you're lost."

I was amazed. Tuwid na tuwid ang english niya. Halatang matalinong bata.

"Fine, you got me..." Hinaplos ko ang buhok niya. Somehow, nawala 'yong galit ko sa Mommy niya, napalitan 'yon ng tuwa. "What do you want to eat then?"

"Will you buy it for me?" Nakataas ang kilay niyang tanong. Natawa ako. Ang suplado, parang ako lang no'ng bata pa ako. "I want ice cream but don't tell Mommy."

"Sure... anything you want, buddy."

Habang kumakain kami ng ice cream, humilig siya sa braso ko. "How does it feel to have a daddy?" tanong na paulit-ulit na bumabalik sa akin pagkatapos ko siyang ihatid.

I was hurt when I heard it. Ano bang pakiramdam na magkaroon ng ama? I only have Mommy, walang kinilalang tatay.

Habang pabalik ako ng opisina, nakatanggap ako ng email. It was a P*F file. Mabilis kong binuksan 'yon. It was Ron's birth certificate.

My hands were cold and trembling while reading the birth certificate.

Child's Name: Ron Reyes

Mother's Name: Sue Reyes

Father's Name: Rogue Rocco

Nabalot ng matinding galit at panghihinayang ang puso ko. She hide my son for years!

Mabilis akong tumungo sa station nila Sue at marah4s na binuksan ang pinto. Naabutan ko si Sue na nagmamadaling mag-ayos ng gamit.

I slammed the door shut and locked it. Dumilim ang buong tingin ko habang naglalakad palapit sa kanya.

"Rogue, anong—"

Iniharap ko siya sa akin nang marah4s at ipinakita ang screen ng phone ko kung saan nakabukas ang birth certificate ni Ron.

"That child... that child is mine, isn't he?" matigas at mariing tanong ko.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Doctor's Innocent Maid Returns with a Genius Son    140

    140"Yes! Especially Kuya Aron. Lagi na lang siyang nasa office.""At si Elisse?" tanong ni Donya Elvera."Video call muna, Grandma. Nasa Singapore pa po siya."Tumango ang matanda."Sabihin ninyo sa kanya na miss na namin siya rito. At kapag umuwi siya, gusto kong makasabay siya sa hapunan.""Yes, Grandma!" sagot ni Cloe.Napatingin naman si Don Miguel sa kambal."Kamusta ang inyong training sa hospital?""Maayos po, Grandpa," sagot ni Zoe. "Marami kaming natututunan. Pero mas marami pa kaming kailangang matutunan.""Magandang sagot iyan. Huwag ninyong kalilimutan na ang tunay na karunungan ay may kasamang kababaang-loob.""Yes, Grandpa," sabay nilang sagot.Matapos ang almusal, nagtungo si Madam Sue sa family lounge kasama sina Donya Elvera at Don Miguel.May dala siyang isang folder."Ano iyan, Sue?" tanong ni Donya Elvera."May gusto po sana akong simulan."Binuksan niya ang folder at inilabas ang ilang larawan.Isang bagong gusali na may malawak na hardin, silid-aralan, therapy r

  • The Doctor's Innocent Maid Returns with a Genius Son    139

    139Sa cellphone ni Alyanna, may bagong mensahe mula kay Sebastian.“Next time, dinner naman. Just the two of us?”Nakita rin iyon ni Cloe.At halos sabay silang napatingin kay Alyanna."ATE!""HUWAG KAYONG MAINGAY!"Lalong lumakas ang tawanan nila.Sa isang eleganteng restaurant, magkatapat na nakaupo sina Zoe at Liam.Hindi masyadong maingay ang paligid. May soft music at maaliwalas na ilaw."Am I?""Yes. Usually, you have at least three questions about my research before we even order."Napangiti si Zoe."Sorry. I'm trying not to turn this into a research meeting.""Good. Because tonight, I want to know you outside the hospital."Napatingin siya sa binata."Then I hope I pass."Napatawa si Zoe.Sa unang pagkakataon, hindi siya nag-isip tungkol sa charts, patient reports, o medical research. Gusto lamang niyang makilala ang lalaking nasa harap niya.At habang nag-uusap sila, napagtanto niyang masarap palang may isang taong hindi lamang humahanga sa katalinuhan niya, kundi interesado

  • The Doctor's Innocent Maid Returns with a Genius Son    138

    138Nang gabing iyon, bumalik si Aron sa kaniyang opisina.Nakatanggap siya ng bagong email mula sa forensic team.May attachment itong isang lumang litrato na nakuha mula sa archived correspondence folder.Tatlong tao ang makikita sa larawan.* Richard Kessler.* Edward Voss.*At Isang lalaking hindi pa nila nakikilala.Sa likod ng larawan ay may petsa at maikling sulat-kamay:Sa likod ng larawan ay may petsa at maikling sulat-kamay:"Before the final Genesis approval."Pinalaki ni Aron ang larawan.Sa sulok nito ay may maliit na logo ng isang kumpanya.NEXUS MEDICAL SYSTEMS.Napakunot ang noo niya.Hindi niya kilala ang kumpanyang iyon.Ngunit nang hanapin niya ang pangalan nito sa corporate records, may lumitaw na nakakagulat na impormasyon.Ang Nexus Medical Systems ay isa sa mga kompanyang nag-bid noon para sa digital records migration contract ng Rocco Medical Center.At ang dating chairman nito ay...RICHARD KESSLER.Napahilig si Aron sa kaniyang upuan."Now we're getting somew

  • The Doctor's Innocent Maid Returns with a Genius Son    137

    137Kinagabihan, habang nasa kaniyang opisina si Aron, may dumating na maliit na package.Walang pangalan ng sender.Binuksan niya iyon sa harap ng security officer.Sa loob ay isang silver keychain na may nakaukit na titik na E at isang maliit na card.For the man who forgets to take breaks.Napangiti siya.Agad niyang tinawagan si Elisse."Did you send this?"Sa screen ay lumitaw ang nakangiting mukha ng nobya."Maybe.""You're in Singapore, and you're still finding ways to spoil me?""Someone has to remind you that you're human, not a walking computer."Tumawa si Aron."Miss you.""Miss you too.""Can I ask you something?""Sure.""How many days left before I see you?"Napangiti si Elisse."You're counting?""Every single one.""Then I'll make sure your countdown is worth it.""Deal."Bago matapos ang tawag, nagpadala si Elisse ng flying kiss.At si Aron, na kayang humarap sa mahihirap na business negotiations, ay biglang napangiti na parang binatilyong unang umibig.Samantala,Sa R

  • The Doctor's Innocent Maid Returns with a Genius Son    136

    136Ngunit nang umalis si Liam, hindi niya napigilang ngumiti sa kaniyang binabasa.Sa pediatric wing, tinutulungan ni Cloe si Enzo sa isang supervised activity para sa mga batang pasyente.May isang batang lalaki na ayaw sumali sa laro.Lumapit si Enzo at inilagay sa ulo ang isang makulay na papel na korona."Ako ang hari ng mga hindi natutulog!"Napatawa ang bata.Sumunod naman si Cloe at kumuha ng isa pang korona."At ako ang reyna ng mga batang kailangang magpahinga!"Nagtawanan ang mga bata.Pagkatapos ng activity, nag-abot si Enzo ng tubig kay Cloe."Here. You did great.""Thank you.""You're good with children.""Mahilig talaga ako sa kanila.""That's one of the reasons I chose pediatrics."Napatingin si Cloe."You're planning to specialize in pediatrics?""That's the dream."Ngumiti si Cloe."Then I hope you achieve it."Tumingin si Enzo sa kaniya."Maybe you can cheer me on.""Don't expect me to be your personal cheerleader.""Okay. I'll settle for coffee."Napailing si Cloe,

  • The Doctor's Innocent Maid Returns with a Genius Son    135

    135Tahimik si Edward nang matapos ang kanilang pag-uusap.Pagkaraan ng ilang sandali, nagsalita siya."Aron, may isang bagay akong gustong sabihin sa iyo.""Ano iyon?""Matagal kong sinisi ang ama mo. Hindi ko alam kung may alam siya o wala. Pero nang mawalan ako ng trabaho, iyon ang pinakamadaling paniwalaan."Napatingin siya sa bintana."May anak akong kailangang palakihin. Nawalan ako ng trabaho, at ilang taon akong hindi makahanap ng kaparehong posisyon dahil sa nangyari. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa pamilya ko na ang trabahong pinaghirapan ko ay nawala dahil sa isang bagay na hindi ko ginawa."Lumapit si Bella at hinawakan ang kamay ng kaniyang ama."Dad..."Napayuko si Edward. "Kung may pagkakataon lang na marinig nila ako noon, baka hindi umabot sa ganito."Tahimik na sumagot si Aron."Mr. Voss, hindi ko maibabalik ang mga taong nasaktan sa nangyari. Pero maaari nating itama ang record at alamin kung sino ang may pananagutan."Tumingin si Edward sa kaniya."At ku

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status