Bumalik muli sa isip ko ang alaalang iyon. I can hear Kuya Lhor’s voice from a distant. Umiiyak siya. “Wala na sila Mama at Papa, Lucky…” Narinig kong sabi niya kaya napasigaw ako. Sumigaw ako para hindi ko na marinig ang boses niya. Paulit-ulit na sigaw habang tinatakpan ang aking tenga.“Lucky!” Pero tila ako nagising sa isang boses. Unti-unting luminaw ang paningin ko. Nawala si Kuya, ang ospital, ang mga boses…And I saw Malik in front of me. Nag-aalala ang mga mata, nakahawak sa aking mga braso, nakaluhod sa harap ko.“M-Malik…” nanghihinang usal ko at lumuha.“W-What is happening to you…” gulat na usal niya pero tanging paghikbi lang ang naging sagot ko. He pulled me from a hug and caressed my back.“Sorry, a-ako ang dahilan kung bakit inatake ang Mama mo.” sabi ko at yumakap rin ng mahigpit sa kanya habang umiiyak na parang bata.“Don’t blame yourself. And Mom’s okay now. Calm down, Lucky. Mom’s okay. She’s fine. Nothing to worry about anymore. Kailangan niya lang magpahinga.
最後更新 : 2026-08-15 閱讀更多