Sobrang bilis at lakas ng kabog ng puso ko habang nakatingin kay Malik, na tila lalamunin nang buhay si Steve sa sobrang galit. Sa paghahabol niya ng hininga at pagtitibay ng panga, ramdam na ramdam ko ang galit na nag-aalab sa kanya.Nilingon ko si Steve, na mabilis na nakabawi at tumayo. Pinunasan niya ang dugong dumaloy sa kanyang labi, bago nanlilisik na tinitigan si Malik.“Ito pala ang asawa mo, Lucky? Ang tarantadong nagkulong sa’yo sa relasyong hindi mo gusto!” sigaw ni Steve.Ikinagulat ko iyon. Pero mas lalo akong nagulat nang bitawan ako ni Malik at agad na sinugod si Steve.“Malik!” sigaw ko nang muling sumuntok si Malik.Mabilis na nakaiwas si Steve, kaya napahinga ako nang maluwag. Ngunit napasinghap din agad ako nang gumanti si Steve ng suntok.Nasalo iyon ni Malik. Hinila niya si Steve palapit sa kanya at agad na sinuntok sa tiyan. Napasinghap si Steve at napaluhod.Tuluyan na akong napaluha nang patuloy na pagsuntok si Malik sa kanya.“Tama na! Malik, tama na!” sigaw k
Zuletzt aktualisiert : 2026-09-08 Mehr lesen