Nang sigawan niya ako kanina sa harap ng mga empleyado niya na para bang may ginawa akong kataksilan, nagalit ako—dahil pinahiya niya ako sa maling akala.When in fact, siya dapat iyon.Pero sa tingin ngayon ng mga taong ito, ako ang babaeng may asawa na mas piniling kumain kasama ang lalaking hindi naman niya asawa.Pero nang tahimik siyang umalis, parang mas masakit iyon.Hindi ko alam kung saan ako mas nadudurog—sa pagtalikod niya sa akin na kitang-kita ko ang sakit at galit sa mga mata niya, o sa pag-iwan niya sa akin sa gitna ng mga mababangis na hayop na alam niyang anumang oras ay maaaring sumakmal sa akin. Alam niyang wala akong kakampi roon, pero iniwan niya pa rin ako. “Lucky, do you want to go home? Ihahatid na kita…” tanong ni Olivier, saka marahang hinawakan ang braso ko.Nakayuko pa rin ako habang pinipigilan ang pag-iyak.Ngunit bago pa ako makasagot, isang pamilyar na boses ang narinig ko.“Well, well, well. Ang mga malalandi talaga, hindi marunong makontento. Malik’s
Dernière mise à jour : 2026-08-27 Read More