“Sigurado ka na ba, iha?” nag-aalalang tanong ni Manang Lui habang tinutulungan akong mag-impake ng mga damit na dadalhin ko sa Maynila. Mabigat man sa loob ko, pero pursigido si Malik na isama ako sa Maynila… and there is also a part of me that wants to know his world. Gusto kong makilala nang higit pa si Malik. At hindi ko iyon magagawa kung mananatili lamang ako sa comfort zone ko.Ngumiti ako kay Manang at isinara ko na ang malaking bag ko. “Yes, Manang. Kayang-kaya ko na po doon, ‘no. Tsaka hindi naman daw kami magtatagal. Tatapusin niya lang ang problema sa company nila, tapos uuwi rin kami.” Bumuntong-hininga naman si Manang. “Eh baka doon ka na itira niyang asawa mo, naku, Lucky, hindi na nga nakuha ang Mirasol, ikaw naman ang itinanan…” Napahalakhak ako sa sinabi ni Manang at hinawi ang bangs niya sa gilid. Nakapixie cut lang siya na may side bangs. Puti na ang buhok na pilit kinukulayan ng itim, maputi ang balat, tisay noong kabataan.“Nakalimutan mo yata, Manang, si Mal
最後更新 : 2026-08-09 閱讀更多