Gabing-gabi na, pero hindi ako mapakali dahil ito ang unang pagkakataong may lalaking makakatabi ko sa kama!Naisip ko na ito pagkatapos ng kasal, pero confident akong hindi na iyon mangyayari. Malamang, hindi naman namin mahal ang isa’t isa!Si Malik naawa lang sa akin at nairita sa pakikipag-away ko sa kanya, kaya binigyan ako ng option na magpakasal. At ako naman, siyempre, para sa bayan!Pero grabe naman kung pati ang perlas ng silanganan ko ay isasakripisyo ko para sa bayan!Awa na lang, oh!Tapos na akong maligo at nakahiga na sa kama, handang matulog. Pero hindi ako makatulog.Malik is inside the bathroom.Lalabas siya.At tatabi sa akin.TATABI SA AKIN ANG KALABAN! ANG DEMONYO!...na gwapo?Napatalon ako sa kama sa sobrang inis sa sarili. Pero nang marinig kong tumigil ang tubig, mabilis akong dumapa at isinubsob ang mukha sa malambot niyang unan.Nang sabihin niya kanina na kailangan naming magsama sa isang kama, talagang nawindang ako. Pero anong angal ko? Siya na mismo ang
最後更新 : 2026-07-25 閱讀更多