“Let’s see after this if you still think of me as your enemy… at kung katangahan pa rin ang tingin mo sa lahat ng ito, Lucky.”Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari.Ang alam ko lamang, tila kandilang nauupos ang buong pagkatao ko sa bawat halik ni Malik—mapusok, nag-aalab, at nakakadarang.Mas lalo niya akong isinandal sa pinto habang mahigpit na hawak ang mga pulsuhan ko sa ibabaw ng aking ulo.Nang tuluyan niyang pakawalan ang mga labi ko, akala ko ay lalayo na siya.Ngunit napasinghap ako nang maramdaman ko ang mga halik niya sa aking pisngi, unti-unting bumababa patungo sa aking leeg.“Malik…” nanghihinang usal ko.Gusto ko siyang itulak palayo, pero tila hindi ko mahanap ang lakas na kailangan ko. Napasinghap ako at napahawak sa magkabilang balikat ni Malik nang malakas niya akong hinapit ang baywang kong padikit sa katawan niya.Hindi ko alam kung paano nangyari, pero sa mga sandaling iyon, tila naging alipin ng damdamin ko ang buong katawan ko.“Malik, please…” wala sa
Dernière mise à jour : 2026-09-30 Read More