"Baliw ka! Kung magising si Austin?!" pagalit kong bulong.Hindi siya nagsalita. Sa halip, ikinulong na lang niya ako sa mga bisig niya, sabay subsob ng kaniyang ulo sa leeg ko. Dahil patagilid akong nakaupo sa kaniya, agad kong sinipat ang ayos ni Austin. Tulog na tulog na ito, thank God."This is what I longed for... your embrace," Aaron murmured, then hinigpitan ang pagyakap sa akin.I scoffed. Para akong hindi makahinga, pero hindi dahil sa higpit ng kaniyang yakap.I don't know why, but there's something about his hugs that makes me feel so weak.This feeling felt strange... and at the same time, it felt familiar."My embrace, pero ikaw ang nakayakap sa akin?" pambabasag ko.I swear, hindi na talaga ako makahinga nang maayos.He chuckled. "Can you hug me back then?"Napalunok ako, saka umiling. Mas lalo siyang natawa. Madiin akong napakagat sa labi nang sinimot niya ang bandang leeg ko.Imbes na yakapin siya katulad ng sinabi niya, tinampal ko siya sa balikat."Ang landi mo! Pag
آخر تحديث : 2026-10-15 اقرأ المزيد