Andrea's POVSpecial ang araw na ito sa aking ina, kaya naman hinalungkat ko yung pinaka magara kong damit sa cabinet at pumunta sa mamahaling restaurant na ito. Ipakikilala na kasi ng aking ina ang lalaking bukambibig niya.Mula sa aking kinatatayuan, natanaw ko ang aking ina na masayang nakikipagkwentuhan sa isang lalaki. Iyon na marahil ang nobyo niya, kaya naman agad akong nagtungo sa kanilang kinaroroonan.“Ma,” tawag ko sa kanya dahilan para mapalingon siya sa akin.“Andrea!” Tumayo si mama at hinalikan ako sa pisngi. “Mabuti naman at nakarating ka, akala ko hindi mo ako sisiputin.”Pilit akong ngumiti dahil hindi ako komportable sa presensya ng lalaking nasa tabi harap niya. “Alam mo namang malakas ka sa akin hindi ba?” Biro ko.Inalok niya akong maupo sa tabi niya, kaya naman mas nakita ko ang mukha ng nobyo niya. In fairness, magaling pumili nanay ko. Mana siya sakin. Gwapo, matipuno, at kahit may edad na malakas pa din ang dating ng lalaki. Batid ko ring mayaman siya dahil s
Last Updated : 2026-07-01 Read more