เข้าสู่ระบบCeline Natigilan ako sa sinabi ni Belinda. Anong ibig sabihin no'n? Hindi ko na lang inisip, pero buong maghapon ata na iyon lang ang laman ng utak ko. At kahit pilit kong huwag isipin ang bagay na iyon ay mas lalo lamang siyang pumapasok sa utak ko. Damn it! Bakit ba bothered ako sa sinabing iyon ni Belinda? Dapat ay wala lang sa akin dahil ano bang pakialam ko kung iniiwasan nga ako ni Timothy? Siguro nga ay inutos talaga ni Chesca na iwasan ako. At dapat ay wala naman akong pakialam doon. Huminga ako nang malalim. Naglinis na lang ako ng lamesa nang may umalis na. Tapos ay nilagay sa lababo. May taga-hugas naman talaga kami nginggan, pero hindi siya masyadong nakikisalamuha sa amin, kaya hindi siya madalas na sumasali sa usapan namin. Kahit hanggang ngayon. Madalas lang siyang yumuko. Hindi naman namin siya pinipilit dahil nahihiya siya. Ngumuso ako. "Ito pa, medyo marami kasing customer." Sinabi ko, pero tumango lamang siya. Kaya umalis na
Celine "Hey, Stefano." Bati niya pabalik. Ayokong lumingon, pero ang nakangiting si Stefano ay napatingin sa akin at napansin niya ang pagka-tense ko. "Ayos ka lang, Celine?" tanong niya sa akin. Bakit naman niya sinabi ang pangalan ko? At bakit ba? Anong pakialam ko kung nandiyan si Timothy? Pero hindi ko maintindihan kung bakit medyo kabado ako. Ang lakas ng tibok ng puso ko, parang minamartilyo. "Ayos lang," nakangiti kong sinabi, tapos ay nilungon ko si Timothy. "Uy, engineer, napadaan ka?" "No," he replied and looked at me with a weird look. "I came here because I have something to say to Stefano." Tumango ako sa paliwanag niya. Iyon naman pala. Anong pakialam ko? Ilang beses akong nagdasal na sana ay hindi niya makita iyong mga gamit o kaya naman ay tanungin ako kung bakit ako nandito, pero parang wala atang makakapigil sa kanya. "Ikaw? Why are you here? And what's all these things?" nalilito niyang tanong, pero sa akin lang ang tingin. Hindi ako
Celine At simula nga noong araw na iyon, hindi ko na nakita ang lalaki. Wala naman sa akin iyon, pero masyado ata akong nababahala dahil baka kung ano ang isipin niya. Pero ano bang pakialam ko sa nararamdaman niya? Wala na dapat sa akin iyon. Ang importante ay naging maayos na ang buhay ko. Ang buhay ni Celeste. Iyon lang. "Stefano," tawag ko sa kanya, isang gabi nang makita ko siya sa may balcony ng sala. Nilingon niya ako, itinapik niya ang upuan na katabi niya. "Salamat," sinabi ko at umupo doon. "May sasabihin ka?" Tumango ako. "Kasi ano..." I swallowed hard. "Kasi nakabili na ako ng bahay malapit sa coffee shop." Hindi agad siya nakapag-react. Tapos ay unti-unti niya akong nilingon. Nakangiti siya pero kitang-kita ko ang kakaibang tingin niya sa akin na hindi ko mapangalanan kung ano iyon. "Good," he said. "Pasensya ka na at hindi ko na sinabi sa'yo dahil alam ko naman na pipigilan mo ako." Nakangiti kong paliwanag. "Isa pa, kailangan na t
Celine "Hala, good morning po, Engineer Timothy." Bati ni Belinda at Aurora pagkatapos nilang makita ang lalaki. "Good morning," malalim na boses na binati sila ni Timothy, pero agad ding nahanap ang mga mata ko na para bang ayaw niya akong tantanan. Ngumiti ako sa kanya, tapos ay binalingan na sina Aurora at Belinda. Inabot ko sa kanila ang mahabang listahan. "Iyan ang mga order ni engineer kaya kailangan na nating bilisan." Magsasalita pa sana si Belinda para magreklamo, pero dahil nandito si Tyler ay pinili na lamang niyang manahimik dahil wala rin naman siyang magagawa at sundin na lang ang order. Tiningnan na ni Aurora kung kasya pa ba lahat ng ingredients bago kami gumawa para ma-inform ang lalaki. "Ayos naman, kaso lang ay mukhang bibili na ako sa palengke para naman ay may magagamit pa tayo para mamaya at para na rin bukas." Tumango ako. Mas mabuti nga iyon kaysa naman ay dito na lang rin siya palagi. Mas mabuti pa rin iyong nagtutulungan kami. "Bilisan mo lang at
Celine Buong araw, ata, akong mabilis na mayamot at sa buong araw na 'yon ay hindi ko alam kung anong gagawin. Madalas ay hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko. Minsan ay maayos naman akong kausap. Pero kapag usapang si Timothy talaga—ipinilig ko ang aking ulo at piniling huwag na isipin ang lalaking iyon. Mabuting kalimutan ko na lamang siya at unahin ang sarili ko. Huminga ako nang malalim. Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko. Kung kumain ba o magtrabaho, parehas naman na importante ang mga bagay na iyon, pero sa huli ay pinili ko pa rin na kumain na lang dahil sina Belinda at Aurora na ang nag-aasikaso sa mga customer. Maaga lang kaming umuwi dahil wala naman kaming masyadong ginawa at busy kami kahapon. Kailangan din namin ng pahinga at hindi namin alam ang maaaring mangyari bukas. I felt like I had an instinct. Because at the very next day. Nakaabang na si Timothy sa may pintuan. Ako pa ang unang nakarating dahil hindi pa bukas ang pinto sa likod. "You're 10 mi
Celine's Pov Bakit ba may mga tao na masyadong inuuna ang mga lalaki sa buhay nila? Wala ba siyang magawa? Sana naman, ay nalinaw ko na sa kanya na wala akong pakialam kay Timothy. Kung anuman ang mayroon sa kanila ay nirerespeto ko iyon at ayokong makialam dahil nasa kanila na iyon. Wala na akong masabi doon. Isa pa, masaya na naman ako sa anak ko. Si Celeste lang ay sapat na sa akin, kaya kung anuman ang iniisip ni Chesca ay wala iyon sa isipan ko. Nakatutok na lang ako sa anak ko. If I could say it to her. Maybe she would finally move on. Pero baka mas lalo lamang siyang mabaliw dahil anak iyon ni Timothy. Kaya naglakad na lamang ako palayo doon sa grocery store. Baka naman kasi sa pagkakataong ito ay tuluyan na nga siyang sinuyo ni Timothy. And the thought itself makes my stomach twist for some reason. Huminga ako nang malalim. Dapat ay wala na sa akin iyon. Wala naman talaga, kaya nagpatuloy na lang ako sa paglalakad palayo sa kanila at naghanap ng mga sangkap







