IRIS POVHalos mapatid ang hininga ko nang magtagpo ang mga mata namin ni Arthur Ramirez. Limang taon na ang nakalipas, pero ang ganoong klaseng lamig sa tingin ay hindi mo talaga makakalimutan. Kung si Victoria ay parang bagyo na maingay at nananakot, ang asawa niya ang mismong gabi—tahimik, madilim, at kayang pumatay nang walang babala.Napahawak ako sa doorknob ng conference room, sinusubukang itago ang panginginig ng mga tuhod ko. Lumingon ako nang bahagya sa loob. Mabuti na lang at mahimbing pa rin ang tulog ni Zion sa sofa, yakap-yakap ang dinosaur niya."M-Mr. Ramirez," pilit kong pinatatag ang boses ko, kahit ang totoo ay gusto ko nang tumakbo pabalik sa loob at i-lock ang pinto."Iris Alcantara," bigkas niya sa pangalan ko. Mababa ang boses niya, walang galit pero puno ng awtoridad na nakakakilabot. Itinukod niya ang hawak niyang mamahaling baston sa sahig. "Akala ko ay naging malinaw ang usapan natin limang taon na ang nakararaan. Sinagip namin ang buhay ng anak ko, at binay
Last Updated : 2026-07-10 Read more