IRIS POV Pagkaalis na pagkaalis ng sasakyan nina Jace, pumasok agad ako sa loob ng bahay at siniguradong naka-double lock ang main door. Kahit anong pilit kong maging kalmado sa harap ng anak ko, kapag mag-isa na lang ako, bumabalik 'yung lamig sa dibdib ko. Tiningnan ko ang hawak kong brown envelope na naglalaman ng lahat ng ari-arian na inilipat ni Jace sa pangalan namin. Napakabigat ng papel na 'to sa kamay ko. Assets, trust funds, ari-arian—lahat ng bagay na pinag-aawayan ng pamilya niya, ibinigay niya sa amin para lang sa kasiguraduhan namin. Noong mga nakaraang araw habang nakikita ko si Jace na halos hindi na natutulog, laging nakatitig sa laptop at seryosong nakikipag-usap kay Leo, alam kong malaki ang pressure sa kanya bilang Jace Ramirez. Pero kapag kasama namin siya ni Zion, nakikita ko 'yung Jace Alcantara na pangarap ko lang noon—'yung lalaking handang talikuran ang lahat ng karangyaan basta safe lang kami. Hindi ko kailangan ng kahit anong yaman niya, pero ang makita si
Last Updated : 2026-07-17 Read more