IRIS POVDahan-dahan kong itinulak ang pinto ng opisina ni Jace. Sinalubong agad ako ng amoy ng mamahaling pabango at bagsik ng aircon. Sa kaliwang bahagi, may maliit na breakroom na may sariling sofa at TV."Zion, pasok ka muna rito sa loob," bulong ko sa anak ko, sabay turo sa breakroom. "Dito ka lang, ha? Huwag na huwag kang maingay.""Opo, Mommy. Magdo-drawing lang ako ng robots," bulong din niya pabalik bago pumasok sa silid dala ang kanyang dinosaur backpack.Huminga ako nang malalim, inayos ang hawak ko sa kape, at lumabas sa main office area. Pero laking gulat ko nang makitang walang tao sa desk ni Jace. Ang tanging naririnig ko lang ay ang malalakas at galit na boses na nanggagaling sa katabing conference room. Salamin ang dingding niyon, kaya kitang-kita ko ang nangyayari sa loob.Nandoon si Jace, nakatayo sa dulo ng mahabang lamesa. Ang mga corporate executives at board members ay nakayuko, halos hindi makahinga sa takot."I don't care about your excuses!" galit na sigaw ni
Last Updated : 2026-07-03 Read more