IRIS POVNapa-upo agad kami ni Jace sa kama nang biglang tumalon si Zion sa gitna namin. Hawak pa rin niya 'yung maliit na plato na may tinapay, at sa sobrang tuwa niya, muntik na itong mahulog kung hindi lang mabilis na nahawakan ni Jace ang gilid ng plato."Zion, dahan-dahan lang, buddy," nakangiting suway ni Jace habang ginugulo ang buhok ng anak namin."Look, Mommy! Manang and I made breakfast for you and Daddy!" pride na pride na sabi ni Zion, habang ipinapakita ang tinapay na may palaman na peanut butter."Salamat, baby. Ang galing naman ng bibi ko," nakangiting sabi ko habang kinukuha ko ang plato at inilalapag sa bedside table. Hinalikan ko si Zion sa pisngi bago tumingin kay Manang Celia na nakatayo pa rin sa pintuan."Pasensya na po, Ma'am Iris," medyo natatawang sabi ni Manang Celia. "Ayaw talaga magpapigil nitong si Zion. Gusto raw po niyang gisingin kayo para sabay-sabay kayong mag-almusal sa ibaba.""Naku, okay lang po, Manang," sagot ko. "Pababa na rin po kami sa kusina
Last Updated : 2026-07-24 Read more