HALOS SUMABOG na sa sobrang kilig ang puso ni Kaelin. Magkahawak kasi sila ng kamay ni Harrison habang papasok ng mansyon.Ito ang pinakagusto niyang senaryo sa lahat, kapag ipinapatawag sila roon, dahil iyon lang ang mga sandaling nagkakadikit ang katawan nilang mag-asawa.“Kaelin, hija! Mabuti naman at magkasama na kayo ni Harrison na pumunta rito!” masayang bati sa kanya ni Cora, ang ina ni Harrison. Lumapit ito sa kanya at hinalikan siya sa pisngi, ganoon din ang ginawa niya rito.Matalim siyang tiningnan ni Harrison, nagpapahiwatig na ayusin niya ang pagsagot.“Ah, pasensiya na po, mommy Cora. Kasi, noong huling punta rito ni Harrison ay iyon din ang araw na umuwi ako sa mansyon namin,” mahinhing sagot niya.“Ganoon ba? Iyon nga ang sabi sa’min ni Harrison noon nang tanungin namin siya ng daddy Henry mo.”“Pasensiya na po talaga, mommy Cora,” muling paghingi niya ng paumanhin.“Ano ka ba? Wala na iyon. Ang mabuti pa ay dumito na muna kayo sa kitchen at tanghali na. Kakain na tayo
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-07-12 อ่านเพิ่มเติม