Share

Chapter 20

Author: Serene Hope
last update publish date: 2026-07-19 16:30:27

ALAS-DIYES na ng gabi.

Tanging mahinang ugong ng air conditioner sa kanyang silid at kaluskos na nililikha niya mula sa pag-aayos ng mga gamit ang siyang bumabasag sa katahimikan ng bahay.

Tahimik niyang inilapag ang isa pang damit sa loob ng maleta. Maingat niyang isinara ang takip nito bago muling binuksan ang aparador upang kunin ang ilan pa niyang gamit. Pagkatapos ay tahimik niyang isinara ang zipper ng huling maleta.

Isa-isa niyang tinitingnan ang bawat sulok ng silid, ang kwartong minsan
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Begging Her to Love Me Again: A Billionaire's Regret   Chapter 36

    SAGLIT na nagpalam si Kaelin kay Leandro para pumunta ng rest room. Kailangan lang niyang makahinga ng maluwag dahil pakiramdam niya ay kakapusin siya ng paghinga.Alam kasi niyang pinagmamasdan lang siya ng asawa sa hindi kalayuan, kaya naman kahit anong gawin niyang pagpapakalma sa sarili ay nananatili pa rin siyang balisa.Halos nawala ang focus niya sa nagaganap na programa, dahil inukopa ang buong isip niya sa nangyari kanina.Hindi talaga niya inaasahan na magkikita sila rito ni Harrison. Sa dinami-rami ng lugar sa mundo, bakit dito pa?Nakapagtataka rin na wala si Veronica sa tabi nito.Naghiwalay na ba ang dalawa? O baka naman busy sa ibang bagay ang babae kaya hindi nito nasamahan si Harrison doon?Mariin siyang pumikit habang ipinipilig ang ulo.“Bakit ko ba pinag-aaksayahan ng panahong isipin silang dalawa? Pakialam ko ba sa kanila?” mataray niyang bulong sa sarili.Matapos niyang sipatin ang sarili ay lumabas na siya ng rest room. Mabagal siyang naglalakad pabalik ng bulwag

  • Begging Her to Love Me Again: A Billionaire's Regret   Chapter 35

    MAKIKIPAG-SAGUTAN pa sana si Harrison sa lalaki, pero nang makita niyang unti-unting humina ang tugtog ng live orchestra at nag-dim ang mga ilaw, indikasyon na magsisimula na ang programa, ay kusa siyang umatras at bumalik sa dati niyang kasamahan.Mamaya na niya ipagpapatuloy ang pagsuyo sa kanyang asawa. At sa oras na muling makialam ang kasama nitong lalaki ay talagang may kalalagyan ito sa kanya.Isang spotlight ang tumutok sa gitna ng entablado.Umakyat ang host, isang beteranong event presenter na bihasa sa pagho-host ng mga high-profile gatherings.“Good evening, ladies and gentlemen!”Malakas at malinaw na umalingawngaw ang boses nito sa buong ballroom.“Distinguished Guests, esteemed business leaders, respected members of the diplomatic community, dear friends, ang honored members of the family, welcome to this truly remarkable evening!”Sandali itong huminto upang bigyan ng pagkakataong pumalakpak ang mga bisita.“Tonight, we gather not merely to celebrate a birthday, but to

  • Begging Her to Love Me Again: A Billionaire's Regret   Chapter 34

    “KAELIN, may gusto akong ipakilala sa iyo mamaya,” ani Leandro habang umiinom siya ng tubig.“Sino naman?”“Si Don William. I think you’ll find him interesting. He’s quite a character.”“Really?”“Yes. Besides, birthday niya naman. It would be rude not to greet him personally.”Napangiti siya.“Of course. I would love to meet him.”“Good.”Maya-maya ay may ilang babaeng lumapit sa kanila at binati si Leandro.“Leandro! Good evening!”“Good evening, ladies!” masayang bati naman ni Leandro sa mga babae.Napatingin ang isa sa mga babae sa kanya.“Oh, hello! I don’t think we’ve met.”Ngumiti siya.“I’m Kaelin.”Nice to meet you! I’m Patricia.”“Nice meeting you, too.”“You look absolutely stunning tonight. I love your dress!”“Thank you. That’s very kind of you.”“Is this your first time attending one of Don William’s party?”“Yes, actually.”“Oh, then you’re in for a treat. His parties are always extravagant.”Nagtawanan ang mga babae.Ilang sandali pa ay nagpaalam din ang mga ito.Nang

  • Begging Her to Love Me Again: A Billionaire's Regret   Chapter 33

    “WOULD you like something to drink?” kapagkuwan ay tanong sa kanya ni Leandro.“Water, please.”“Alright. Stay here. I’ll get you one.”Tinanguan niya ito.Habang naghihintay, bahagya siyang lumingon sa paligid.Hindi niya maikakailang kahanga-hanga ang lugar. Sanay naman siyang makakita ng ganoon, at isa pa, sa mansyon din naman siya lumaki. Sadya lang talagang napakaperpekto ng lugar sa kanyang mga mata.Ngunit hindi niya alam na sa kabilang bahagi ng ballroom ay may isang lalaking nakatayo malapit sa isang grupo ng mga business associates.Nagulat ito at nangunot ang noo nang mapadako ang tingin sa kanya.***SAMANTALA sa kabilang bahagi ng ballroom.“Harrison, I believe Mr. Elizalde will be joining us shortly,” sambit ng isang lalaking business associate.“That’s good. I actually wanted to discuss the proposed development in Tagaytay with him.”“He’s quite particular about his investments. But I’m sure he’ll be interested in your proposal.”Tumango siya habang hawak ang baso ng kan

  • Begging Her to Love Me Again: A Billionaire's Regret   Chapter 32

    “HARRISON, hindi puwedeng hindi ka dumalo roon sa birthday party ni Don Elizalde. Minsan lang siyang mag-invite, nakakahiya naman kung walang sisipot doon ni isa sa atin,” malumanay na sambit sa kanya ng ina.Abala siya sa pagpipirma sa mga iniuwi niyang sandamakmak na papeles sa kanyang mini office nang katukin siya nito roon para sabihin ang bagay na iyon.“I know, mom. Iniisip ko lang kasi itong mga naka-pending na papeles na kailangan pa ng mga pirma ko. Kailangan ko na rin kasi itong makumpleto. At isa pa, ayaw kita ritong iwanan ng mag-isa lalo na at ikaw ang nag-aalaga at nag-aasikaso kay daddy. Hindi man ako personal na nakakalapit sa kanya at pisikal na naaalagaan siya, at least natutulungan kitang alamin kung ano ang mga pangangailangan niya,” mahabang paliwanag niya.Hanggang ngayon, hindi pa rin kasi siya nakakalapit o kahit ang magpakita man lang sa kanyang ama sa takot na baka maulit muli ang nangyari rito.Ramdam din niyang ayaw siya nitong makita o makausap, dahil kahi

  • Begging Her to Love Me Again: A Billionaire's Regret   Chapter 31

    MATAGAL NANG nakaupo si Harrison sa waiting area, pero hindi siya mapakali. Naroon ang tatayo siya at magpaparoo’t parito, pagkatapos ay muling babalik sa pagkakaupo.Tahimik ang kanyang ina, habang ang kanyang kapatid ay paulit-ulit na nagpupunas ng luha. Walang sinuman sa kanila ang gustong magsalita.Hanggang sa bumukas ang pinto ng emergency room.Agad na tumayo si Harrison.“Doctor?”Lumapit ang doktor sa kanila at bahagyang ngumiti.“Mr. Kensington,” tawag nito sa kanya. “Ma’am,” baling din nito sa kanilang ina.“Doc, kumusta ang kalagayan ng asawa ko?” punong-puno ng pag-aalalang tanong dito ng kanilang ina, wari’y hindi makapaghintay sa sasabihin sa kanila ng doktor.Huminga muna nang malalim ang doktor bago nagsalita.“Okay na po siya. Stable na ang kondisyon niya.”Napahawak sa dibdib ang kanyang ina, habang si Hailey naman ay tila nabawasan ang labis na pag-aalala sa mukha.“Salamat sa Diyos kung ganoon…” ani ng kanyang ina.Siya naman ay napapikit ng mariin, tila ngayon la

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status