LUMAPIT sa kanya si Kieran at bigla siyang niyakap. Marahil ay hindi na nito napigilan ang awang nararamdaman sa kanya.“Iyan ang matagal na naming gustong marinig,” anito.Tumabi rin si Kristoff.“Hindi ka nabigo, Kaelin. Nagmahal ka nang totoo. Ang nagkulang ay ang asawa mo na hindi nakita ang halaga mo,” ani Kristoff.Isang makahulugang ngiti ang sumilay sa labi ni Kieran.“Sa wakas…”Napatingin naman siya rito.“Sa wakas ay natauhan ka rin,” anito.Lumapit sa kanya si Kristoff at kinuha ang maletang kanina pa niya hawak.“Baka naman bumalik ka pa roon,” ani Kieran.Mahina siyang umiling.“Hindi na.”Nanigas naman ang dalawa, tila hindi makapaniwala sa sinabi niya.“Hindi na?” pag-uulit ni Kieran.“Tuluyan na akong aalis doon. At tuluyan ko na ring iiwan si Harrison ngayon.Saglit na walang nagsalita sa dalawa.“Salamat naman,” ani Kristoff.Napakunot-noo naman siya.“Hindi kami natutuwa dahil naghiwalay kayong mag-asawa,” seryosong sabi ni Kristoff. “Natutuwa kami dahil sa wakas,
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-07-19 อ่านเพิ่มเติม