Jane's POVSumabog ang mga salamin ng kotse! Binalot ng usok, ingay ng nayuping bakal, at matinding Dilim ang buong paligid.Nang huminto ang pag-ikot ng sasakyan, nakadapa ako sa ilalim ng backseat. Wala akong natamo na kahit anong sugat dahil buong-buo akong nabalot at naprotektahan ng katawan ni Conrad."C-Conrad...?" nanginginig at umiiyak kong bulong sa gitna ng usok. "Conrad... gising... pakiusap, Conrad!"Dahan-dahan kong inangat ang aking ulo.Nanlamig ang buo kong katawan. Nakadapa si Conrad sa ibabaw ko—walang malay, may dugong dumadaloy mula sa kaniyang ulo at balikat, habang ang kaniyang dalawang kamay ay nakakahawak pa rin nang napakahigpit sa aking bewang para siguraduhing ligtas ako."CONRAD! GISING! TULONG! PAKIUSAP, TULONG!" umiiyak kong sigaw habang hawak-hawak ko ang kaniyang duguan at malamig na mukha sa gitna ng bumubuhos na ulan.Dumaloy ang sirena ng ilang emergency vehicles mula sa malayo. Sa tulong ng mga rescue personnel at bystanders, winakwak ang nawasak na
Última atualização : 2026-10-10 Ler mais