Conrad’s POVTahimik at mabigat ang hangin sa loob ng kwarto ng ospital. Ang tanging naririnig sa buong silid ay ang tuluy-tuloy at mabagal na pagtunog ng heart monitor sa tabi ng aking higaan, kasabay ng pamilyar na amoy ng antiseptiko at mga gamot. Sa mismong sandali na unti-unting bumalik ang aking kamalayan mula sa mahabang panahon ng pagkakacomcomatose, malinaw ang lahat sa aking isipan. Wala akong anumang nakalimutan. Buong-buo ang aking mga alaala—ang kumpanya, ang aksidente, ang aking pamilya, at higit sa lahat, ang babaeng pinakamahal ko sa buong buhay ko, si Jane. Naalala ko ang bawat ngiti niya, ang bawat haplos niya habang nakahawak sa kamay ko noong mga panahong nakahiga ako at walang malay, at ang mga luhang pumatak sa aking mukha habang ipinagdadasal niya ang aking paggising.Gusto ko sanang idilat agad ang aking mga mata, hawakan ang kanyang kamay, at sabihin sa kanya na gising na ako at maayos ang lahat. Subalit bago ko pa man maigalaw ang aking mga daliri, narinig ko
Última actualización : 2026-10-11 Leer más