Drake’s POVMatapos kong iwan si Matilda sa malamig at madilim na stairwell, dumeretso ako sa pribadong rest room ng mga Department Manager. Inilapat ko ang dalawa kong kamay sa ibabaw ng sink at nakatitig sa sarili kong repleksyon sa salamin.Nanginginig ang mga kamay ko. Pawisan ang aking noo, gulo-gulo ang buhok, at halos pumutok ang dibdib ko sa matinding halo-halong emosyon—galit, takot, at higit sa lahat, ang matinding pagsisisi.Sising-sisi ako.Kagabi sa hotel ballroom, nang pumasok si Azalea na nakasuot ng emerald green gown na iyon... halos huminto ang mundo ko. Ang dating Azalea na kilala ko ay mas lalong naging napakaganda, napakaakit-akit, at puno ng kakaibang aura na hindi ko kailanman nakita sa kanya noon. Ang bawat kurba ng kanyang katawan sa gown na iyon ay tila ginawa para makuha ang atensyon ng bawat lalaki sa bulwagan.At sa gitna ng maraming tao, habang nakatitig ako sa kanya, muling bumalik ang lahat ng alaala noong college pa kami.Matagal na kitang gusto, Azale
最後更新 : 2026-09-20 閱讀更多