Palakad lakad ako sa may sala habang pilit kong tinatawagan si Reed. Nang sagutin niya ang tawag ko ay halos sigawan ko siya. “Reed bakit may package rito?” “What package? Lahat ng package na ipapadala sa’yo mula sa ibang bansa ay naka address sa bahay niyo, hindi diyan!” “Nakakainis, paano ko ‘to itatago? Ang laking box!” naiiritang sagot ko. Natawa naman si Reed sa sinabi ko. “Just tell them galing abroad, some rich family member, Cassandra,” Bahagya akong nag isip sa sinagot ni Reed. Pwede nga naman na ganoon ang sasabihin ko. Besides I need these things inside my package, naubos na ang lotion ko, hindi ako pwedeng lumabas ng kwarto na hindi naka lotion. “Fine, thanks Reed,” “No problem, call me whenever there’s a problem,” “Sure, bye,” “Bye,” Problema kong tinignan ang box na nasa harapan ko. Hindi ko alam kung paano ko ito iaakyat sa kwarto ko nang biglang sumulpot si Vicente sa harapan ko. “What’s that?” tanong niya habang naka titig sa box. “Some package for me,”
Last Updated : 2026-09-14 Read more