Cassandra Louise’s Point of View Hindi na ako mapakali matapos ang sinabi ni Vicente. Isang lumang shareholder. Isang dating business partner na patay na. Isang kumpanya na matagal nang nagsara. At ngayon, isang pangalan na konektado sa isang kumpanyang wala na sa business registry. Lahat iyon ay parang magkakahiwalay na piraso ng isang puzzle na pilit naming binubuo. Pero habang mas marami kaming nalalaman, mas lalo ring nagiging malinaw na matagal nang nagsimula ang lahat. Hindi ko na hinintay na matapos ang araw bago ko balikan ang mga lumang files ng pamilya. Pagpasok ko sa office, agad kong pinatawag ang assistant ko. “Pakihanap lahat ng archived records tungkol sa old properties ng Ledesma family.” “Anong specific property po?” “May address akong ibibigay.” Isinulat ko ang address mula sa document at iniabot sa kanya. “Gusto ko pati mga records bago pa ako naging involved sa company. Kahit old contracts, tax records, transfer documents, lahat.” “Yes, ma'am.” Pagkaal
Last Updated : 2026-10-10 Read more