Maximo’s Point of ViewHindi ko maalis ang tingin ko sa mensaheng ipinadala ng head of security.Nawawala ang susi ng Villa Serafina.Sa dami ng mga bagay na biglang nabuksan sa nakalipas na mga araw, ito ang unang pagkakataong nakaramdam ako ng matinding pangamba para sa sarili kong pamilya. Hindi dahil natatakot akong malaman ang katotohanan, kundi dahil nagsisimula kong mapagtanto na maaaring mas malalim ang pagkakasangkot ng ama ko kaysa sa inaakala ko.“Reed, secure every entrance to the mansion. I want the security footage from the last seventy-two hours reviewed. Walang gagalaw sa office ng father ko hangga't hindi natin natutukoy kung ano ang nangyari.”“Understood,” sagot niya habang kinukuha ang tablet.“Agnes, tulungan mo siya sa old staff records. Find everyone who had access to my father's office, including former employees.”Tumango si Agnes. “Yes, Senyorito.”Nang makaalis ang dalawa, napansin kong nanatiling nakatayo si Ysabel sa tabi ng mesa. Nakahalukipkip siya haban
Last Updated : 2026-10-20 Read more