MARIPOSA Mabilis na lumipas ang isang linggo. Sa mga sumunod na araw, naging abala ako sa pag-aaral at pagtatrabaho sa Romanov Privé. Kahit madalas ay inaabot ako ng pagod, tiniis ko iyon dahil alam kong may naghihintay sa akin sa bahay. Kailangan kong kumita para sa pang-araw-araw naming gastusin at para na rin sa pag-aaral ko.Nang matanggap ko ang sahod ko, agad akong umuwi at ibinigay kay Mama ang perang kinita ko. Hindi ko na iyon inintindi kung magkano ang matitira sa akin dahil mas mahalaga sa akin na may magamit siya para sa mga pangangailangan namin. Pagkatapos, dumaan ako sa grocery at bumili ng bigas, de-lata, gulay, karne, gatas at iba pang kailangan sa bahay. Sinigurado kong sapat ang mga iyon para hindi na muna kami mamroblema sa pagkain sa mga susunod na araw.Masaya ako nang makita kong may laman na ulit ang aming kusina. Kahit papaano, hindi na kailangang mag-isip ni Mama kung saan kukuha ng ipangluluto namin. Ganoon na lang din ang pasasalamat niya sa akin, pero sin
Last Updated : 2026-11-06 Read more