MARIPOSA HABANG NASA KLASE ako, ilang beses kong sinubukang ituon ang atensiyon ko sa leksiyon ng professor namin. Nakabukas ang notebook ko at hawak ko ang ballpen, pero kahit anong pilit kong makinig, hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya. Parang lumilipad lang sa hangin ang bawat salitang naririnig ko. Ang totoo, may ibang bagay na gumugulo sa isip ko. Hindi mawala-wala sa alaala ko ang sinabi ni ninong kagabi. Lalo na ang malanding pagkakakindat niya habang sinasabi niyang handa niya akong pasayahin sa kahit anong paraan na gusto ko. Napapikit ako sandali at napailing. “Ano ba naman kasi iyon? Bakit kailangan pa niyang magsalita nang ganoon? Hindi ba niya alam na hindi ganoon kadaling balewalain ang mga sinasabi niya? Ang landi ni ninong!” inis kong sambit. Minsan, parang sinasadya niyang guluhin ang isip ko. Hindi ko tuloy malaman kung nagbibiro lang ba siya o may ibang ibig sabihin ang mga sinasabi niya. "Mariposa, ano ka ba?" bulong ko sa sarili habang kunot-noo na
Last Updated : 2026-11-10 Read more