NAGKAKAPE si Anaatacia sa garden habang ang tatlong anak niya ay naglalaro. "Anastacia, napaayos na ng Daddy mo ang lilipatang school ng triplets," imporma ni Victoria sa kaniyang anak. Naibaba ni Anastacia ang tasang hawak sa table at napatingin sa ina. "Thanks po, Mom," nakangiting sabi niya. "Pakisabi na rin po kay Daddy na salamat sa pag-aayos ng lahat para sa mga anak ko." Umupo si Victoria sa bakanteng upuan na katabi ni Anastacia. "Huwag kang magpasalamat. Obligasyon namin ang tulungan ka, anak. Babawi kami sa limang taon na nawala. Patii sa mga apo namin, babawi rin kami sa kanila." Napayuko si Anastacia. "Huwag na po ninyong isipin iyon, Mom. Ang importante, magkakasama na tayo ngayon." Ngumiti si Victoria at hinawakan ang kamay ng anak. "Alam mo, anak, masaya kami ng Daddy mo na nakasama namin kayo ng mga apo mo." Napatingin si Anastacia sa tatlong batang naglalaro sa damuhan. "Masaya rin po ako na nakilala na nila kayo," tugon niya sa ina. "At gusto naming mas ma
Terakhir Diperbarui : 2026-08-19 Baca selengkapnya