Biglang napaiyak si Trisha sa sobrang kaba, hindi niya alam kung paano na ang gagawin nila. “Miss Althea, kasalanan ko po ito. Dapat ako na mismo ang nag abot ng USB kay Director Meredith, pero sinabi kasi ni Scarlett na kailangan pa niyang tingnan ang laman nito. Kaya naman binigay ko sa kanya, oo medyo mapang-abuso siya sa posisyon niya minsan pero siya kasi ang host ng programa natin. Kapag umunlad ang programa, lahat naman tayo ay makikinabang. Kapag bumagsak, lahat naman tayo madadamay. Kaya hindi ko inakala na gagawa siya ng ganitong bagay!”Naiiyak na paliwanag ng dalaga. “Huwag kang matakot. Buhay ang tao, patay ang mga records. Kung umaasa sila sa computer, pwede naman akong umasa sa memorya ko.”Nanlaki ang mga mata ng dalaga na puno ng luha.“M-miss Althea... naalala mo lahat?”Nakangiting tumango ang babae. “Halos lahat.”Sa panig naman ng grupo ni Celina, nagtatawanan sa tuwa sina Sheila at Nisha. Sigurado silang walang makukuhang sponsor ang Food Wins the World, kaya
Última actualización : 2026-10-06 Leer más