Hindi na namili pa si Althea, basta na lamang siyang kumuha ng isang set ng pambahay na damit bago siya mabilis na lumabas ng kwarto. Hindi niya alam kung bakit, pero pakiramdam niya saan man siya pumunta sa parte ng bahay na ito naroon pa rin ang presensya nito sa hangin. Mapanganib, mapang-akit at may kakaibang nakakabighaning aura. Pagdating niya sa banyo, mula pa sa malayo ay narinig na niya ang masayang tawanan nina Xavier at ni Jeff. Pati ba naman paliligo, nagagawa nilang gawing napakasaya?Pagdating ni Althea sa pintuan, inabot niya ang dala niyang damit. “Sir Xavier, ito na ang damit mo—”Hindi pa niya natatapos ang kanyang sasabihin nang biglang umahon palabas ng baththub ang lalaki. Lumapit ito sa kanya at kinuha ang bag na inabot niya, ngunit kasabay nito bigla rin nitong hinawakan ang kanyang payat na pulsuhan. “A—!”Bago pa siya makapag-react, walang pakundangan siyang hinila ng lalaki sa bathtub. “Ah—!”Napasinghaw ng malakas ang babae, mabilis siyang umangat mula
Última atualização : 2026-09-30 Ler mais