Mahigpit na kinuyom ni Misty ang kanyang mga kamay. “Napilitan lang ba talaga si Jasper na makipag relasyon sa akin dahil sa pamimilit ni Daddy?” bulong ng babae sa kanyang sarili habang pinipigilan ang nag babadyang luha sa kanyang mga mata. Kahit gaano pa siya kadaling pakisamahan at masayahin sa panlabas, sa kaloob-looban ng puso niya ay nakatago naman ang matinding kawalan ng kumpyansa at tiwala sa kanyang sarili. Mula pagkabata hanggang sa paglaki niya, wala siyang naging tunay na kaibigan dahil sa kanyang katabaan. Hindi rin siya nakaligtas sa mapanghusgang tingin, pangungutya, at bulungan ng ibang tao.Bagama't ipinagtatanggol siya ng kanyang Daddy, alam niyang sa puso ng mga taong iyon, minamaliit pa rin nila siya.Malungkot siya, sensitibo, at marupok. Mula nang pumasok si Jasper buhay niya, unti-unting pinatunayan nito ang kanyang kakayahan. Mula sa pagiging bodyguard ni Misty, umangat siya hanggang sa maging general manager na ito ng kumpanya ng pamilya ni Misty. Kapag
Última actualización : 2026-10-11 Leer más