Malaking halaga ang inilabas ni Xavier para kay Althea, kaya naman kailangan niyang pasalamatan ito ng maayos. Tinitigan niya ang alak na binuhos ni Gerald sa baso, tig-isang baso sila ni Xavier, at wala naman itong ginawa gaya ng palihim na paglalagay ng kung anong gamot sa inumin. Malakas naman ang tolerance niya sa alak, isang baso lang ay sigurado siyang makakaya niya. Ngumiti siya at itinaas ang baso kay Xavier. “Sir Xavier, maraming salamat sa malaking tulong mo ngayon. Aaminin ko, kahit minsan nakakainis ka parang hindi naman talaga masama ang ugali mo. akin na itong baso, ako na iinom nito, ikaw bahala ka kung iinumin mo o hindi…”Biglang dumilim na naman ang mukha ng lalaki. Iniisip niya kung ano ang ibig sabihin ng babae tungkol sa pagiging nakakainis siya, ang babaeng ito lang talaga ang may lakas ng loob na pagsalitaan siya ng ganun. Bahagyang tinaas ng lalaki ang kanyang kilay, hindi niya pinigilan ang babae sa pag-inom. Nang maubos ng babae ang laman ng kanyang baso,
Última actualización : 2026-10-10 Leer más