Matagal na nanatiling walang imik si Althea, hindi niya kayang tingnan ang mata ng lalaking kasama niya. Kaya naman mas pinili na lang niyang yumuko at tumingin sa baba. “Kuya Xavien, sorry.”Alam niya ang kalagayan niya, pumirma siya ng kontrata kay Xavier. Hangga’t hindi pa ito natatapos, hinding-hindi siya basta pakakawalan nito. Sa ugali pa lang at pagiging dominante nito, alam niyang hindi magiging madali ang makawala rito. Maganda ang pagkakakilala niya kay Xavien. Pakiramdam niya sa kalagayan niya ngayon, hindi siya karapat-dapat para sa isang lalaking katulad nito. “Tey, naalala mo? Noong highschool tayo, binusted mo rin ako. Pero alam kong ginawa mo lang iyon dahil maagang akong natanggap sa Harvard. Kinausap ka ng class adviser natin at sinabihang huwag mong guguluhin ang pag-aaral ko, kaya mo ako tinanggihan.”Pumikit ang lalaki at bumuntong hininga bago muling nagsalita. “Pero alam ko ang totoo, na gusto mo rin naman ako.”Mariing kinagat ng babae ang ibaba ng kanyang
Última actualización : 2026-10-17 Leer más