Masamang tiningna ng babae ang lalaki bago niya napigilang magsalita, “pinatay mo na ako sa panaginip mo, tapos sa totoong buhay pupuntahan mo pa ko para gisingin lang at guluhin?”Hinawakan ni Xavier ang maliit nitong baba, madilim ang kanyang mga mata at halatang hindi siya komportable sa sarili niyang nararamdaman. “Sa panaginip ko, mas pinili mong mamatay kasama siya kaysa sumama sa akin.”“....”Nang makitang hindi siya sumasagot, mas lalo pang hinigpitan ng lalaki ang yakap sa kanya. “Hangga’t hindi pa kita binibitawan, bawal kang maghanap ng iba ha? Naiintindihan mo ba?”Bahagyang nanigas ang katawan ng babae, itinukod niya ang mga daliri niya sa matipunong balikat ng lalaki at iniwas ang tingin upang hindi magtama ang kanilang mga mata. “Panaginip lang naman iyon, bakit ako ang sinisisi mo? Shooo! Umalis ka na nga, baka magising na si Jeff mamaya eh.”Hinaplos ng lalaki ang ulo niya, pagkatapos bahagya niyang ibinaba ang boses. “Nahanap na ang taong nagpakawala ng mga ahas
Última actualización : 2026-10-18 Leer más