Mabilis na sumabat si Beatriz, parang biglang natakot na baka malaman ni Lolo Fidel ang katotohanan."Lolo, ako na po ang mag-iimbestiga niyan!" mabilis na sabi ni Beatriz, pilit na ngumingiti habang nakatingin sa matanda. "Huwag na po kayong mag-abala pa, marami pa po kayong inaasikaso sa kumpanya. Ako na po ang bahala, susugurin ko lahat ng pwedeng pagkunan ng impormasyon. Sigurado po akong malalaman natin agad kung sino ang mga iyon''Kumunot ang noo ni Fidel. "Sigurado ka ba? Mahalaga ito, Beatriz. Hindi ito simpleng bagay lang na pwedeng ipasa-pasa.""Opo naman, Lolo!" sagot ni Beatriz nang may diin, sabay tingin nang masama sandali kay Fiona bago ibinalik ang tingin sa matanda. "Bilang pinsan ni Fiona, obligasyon ko rin pong siguraduhin na ligtas siya. Mas mabilis ko pong mahahanap ang sagot dahil dito ako lagi sa opisina at kilala ko halos lahat ng tao sa paligid. Kung kayo po ang gagawa, baka mas matagalan pa at lalong mapahamak si Fiona habang naghihintay tayo."Tumingin s
Terakhir Diperbarui : 2026-08-14 Baca selengkapnya