Pagkatapos ng mahabang oras sa set at pag-iisip ng maraming bagay, dahan-dahang nagmaneho si Fiona pauwi sa mansyon. Mabigat pa rin ang pakiramdam niya at puno pa rin ng tanong ang isipan. Inaasahan niya na pagdating niya, may susunod na namang sermon ngunit hindi niya inakala ang mangyayari pagpasok niya sa loob.Pagbukas pa lang niya ng pinto, hindi magawa ng mata niya ang matandang nakaupo sa sala. Nasa hapag pa rin ang ilang baso ng tsaa at mga prutas na inihanda para sa kanya. Nang makita siya ni Fidel, dahan-dahan itong tumayo at lumapit sa kanya, na tila may ibang emosyon sa mukha na hindi niya nakikita noon."Lo... may sasabihin ba kayo" mahinang sabi ni Fiona habang palapit. .Lumapit si Fidel at hinawakan nang mahinahon ang braso ng dalaga. "Halika, umupo muna tayo. May pag-uusapan tayo."Naguguluhan at kinakabahan, dahan-dahan siyang umupo sa tapat ng matanda. Tahimik sandali si Fidel, tila nag-iisip ng tamang sasabihin. Nakita ni Fiona na hindi na ito ang galit na galit
Terakhir Diperbarui : 2026-08-19 Baca selengkapnya