Kinabukasan, maagang nasa set na si Fiona. Suot na naman niya ang makapal na make-up na nagtatago sa tunay niyang mukha, nakangiti nang pilit habang inaayos ng mga staff ang kanyang damit. Sa harap ng lahat, siya ang sikat na si Luna,masigla, matatag, walang ipinapakitang kahinaan. Pero sa likod ng ngiti at galing sa pag arte niya may nakatagong mukha ,isang mukha ng babaeng parang nakakulong sa isang madilim na kulungan. Ang ningning niyang mga mata ay peke lang at ganun din lahat ng nakikita sa kanya para syang robot na kailangan sumunod sa bWat utos . Kalahati na ng script ang natapos nang tumunog ang kanyang cellphone .aNakita niya ang pangalan ng doktor ng kanyang ina. Agad siyang lumayo sa lahat, sa isang madilim na sulok ng likod ng entablado, nanginginig ang kamay habang sinasagot ito. "Hello , Dok..." ang boses niya ay halos pabulong na lang. "I am sorry to bother you but you need to know. Kailangan kong sabihin sa'yo ang totoo. Lalong humina ang lagay ng mama mo. M
최신 업데이트 : 2026-07-15 더 보기