LOGINPareho silang nagpanggap na ibang tao para makaiwas sa maling tingin ng iba. Sina Fiona at Andrew ay pinagtagpo ng tadhana .Nagmahalan sila habang akala nila pareho silang simpleng tao lang. Pero habang tumatagal, may mga kakaiba silang napapansin na nagpapaisip sa kanila na may itinatago ang isa’t isa. Nang sa wakas mabunyag ang lahat ng lihim, lalong naging magulo ang lahat dahil nalaman nilang ang taong buong puso nilang pinagkatiwalaan, ay matagal na palang nagsisinungaling sa kanila. Ngayon, kailangan nilang harapin ang masakit na katotohanan kung kaya pa bang manatili ang pagmamahalan nila, o kung ang lahat ng pinagsamahan nila ay kasinungalingan lang at mawawala ng parang bula . Mapapatawad pa kaya nila ang isat isa
View MoreNakaupo si Fiona sa harap ng malaking salamin.Pilit pinakatitigan ang kanyang sarili .Halos hindi na makilala ang tunay niyang mukha sa kapal ng make-up na mukhang maskara na nagtatago sa kung sino talaga siya. Ito si Luna, pero malayo ito kay Fiona Montecillo.Ang tunay niyang pagkatao.Pumasok siya sa pagiging artista para lang maging sikat at maging harap ng pamilyang Montecillo .Nagawa niya ang bagay na ito para sa kanyang ina na ngayon ay nasa coma parin .
"para sayo lahat ng ito mama ...Makakaalis din tayo sa sitwasyon na ito balang araw" saad ng kanyang isip habang nakatitig sya sa larawan nila ng kanyang ina sa cellphone nito Biglang bumukas nang malakas ang p***o. Pumasok si Beatriz, ang pinsan niyang laging handang manlait.Nakatira ito sa mansion ng kanyang lolo Fedel .Ito ang halos paborito nila dahil magaling mambilog ng ulo at umaktong laging biktima . "Tingnan mo nga naman," panimula ni Beatriz habang nakapamulsa. "Ang kapal ng make-up mo. Akala mo ba sa ganyan, magiging iba ka na?...well mas maganda nga yan para naman di ka nila makilala na isa kang Monticello ..Ang Luna na yang mukha iyon ang kilala nila diba Fiona .. " Hindi lumingon si Fiona napapikit sya sandali dahil sa kadaldalan ng kanyang pinsan na walang ibang ginawa kundi guluhin ang kanyang pagkatao .Sa mata nito wala syang nagawang tama at ganun din ang kanyang sariling pamilya. "Nandito ka ba para manood ng palabas, o may kailangan ka?" hindi niya pinahalata ang kanyang boses na naiinis bagkus naging maingat at malumanay pa ito . Tumawa nang mapakla si Beatriz ang lalong lumapit sa kanya . "Nandito ako para ipaalala sa'yo ang totoo. Kahit anong itago mo sa mukha mo, kahit gaano ka pa kaganda tignan dito, alam ng lahat kung ano ka lang talaga. walang silbi yan Fiona ... pwes nga naman may silbi pala dahil ikaw si Luna ..." sabay halakhak na nang iinsulto . "Ano ba ang gusto mong sabihi..tapos kaba ba deretsahin mo nalang ako" "Na wala kang silbi!" mariing sagot ni Beatriz. Sabay tulak sa kanyng balikat gamit ang hintuturo . "Pinasikat ka lang dahil kailangan ng pamilya natin ng mukha para sa negosyo. Kung wala ang apelyidong Montecillo, wala ka rin. Wala kang magiging halaga." na para bang sinasabi nito na parang isa lang syang langgam na pwedeng tirisin dahil sa daliri nito pumitik sa hangin . Dahan dahan syang tumalikod ..Katahimikan ang lagi niyang sandata .Tumingin na siya kay Beatriz mula sa salamin. "Hindi naman ako humihingi ng pagkilala dahil sa yaman natin. Gusto ko lang..." "Gusto mo lang ano?" putol ni Beatriz. "Gusto mo lang magmukhang karapat-dapat? Huwag kang umasa. Walang magmamahal sa'yo nang totoo. Gusto lang nila ang makintab na mukha mo, ang pangalan mo, at ang yaman natin. Kapag nawala na 'yan, sino ka na lang?" Napagtanto niyang totoo ang mga sinasabi ni Beatriz .Wala nga syang silbi kung wala ang kasikatan na tinatamasa niya ngayon . Tumulo ang kanyang luha pero agad din niyang pinunasan. "may sasabihin kapa ba???" sawa na syang makinig sa pangliliit sa kanya ng babaeng ito. Gusto na niyang magpahinga . " pumunta ako para sabihin sayo may dinner sa mansion ..." ",sana tinawag mo nalang ..Naglaan kapa ng oras sa akin..tsk"" " sabay talikod ulit kay Beatriz. ",sorryyy Fion. but you don't have a number in my phone ...Ibig sabihin your not special to me ...Napadaan lang ako sa akin kasi nagsabi si lolo ..." pero ang totoo may dahilan kaya gusto niyang pumunta si Fiona sa mansion m " okey ...darating ako" saad nalang niya para makaalis na ang taong nagpapakulo ng kanyang dugo . Inirapan lang sya ni Beatriz at tumalikod na ito .Isinara niya ang p***o nang malakas ngunit di na nagulat si Fiona dahil para sa kanya sanay na sya .Nanginginig ang kanyang kamay habang kinuha ang pamunas. Isa-isa niyang tinanggal ang makapal na make-up hanggang sa lumabas ang tunay niyang mukha,simple, pagod, pero totoo. "ito ako dapat pero bakit" tuluyan na syang humagulgol dahil sa sama ng loob .Kung hindi sana namatay ang kanyang ama hindi sana magiging ganito ang kanyang buhay . Pagdating ng gabi, tahimik na pumasok si Fiona sa malaking mansyon ng mga Montecillo. Suot niya ang simpleng damit, wala na ang makapal na make-up, at tila isa lang siyang bisita sa sarili niyang tahanan. Agad siyang sinalubong ng matatalim na tingin ng lahat na nasa hapag-kainan. Tahimik na umupo si Fiona sa dulo ng hapag-kainan. Pagod na pagod siya, pero napangiti siya nang bahagya nang makita ang Lolo Fedel niya na malambing ang tingin sa kanya.Ang kanyang lolo lang ang natitirang kamag-anak na may mabuting pakikitungo sa kanya.Bukod sa yumao niyang ama at comatose niya ina .Ang tatlong kapatid ng kanyang papa ay halos isumpa sya dahil sa mana na dapat daw wala na sa kanya dahil wala na ang kanyang ama . Sanggol pa lamang sya namatay na ito dahil sa aksidente ang kanyang mama naman ay comatose dahil din sa aksidente na naisakto pa sa kanyang graduation nito sa kolehiyo. "Mabuti naman at dumating ka na, apo," malumanay na bati ng lolo niya. ", kumain ka muna. Alam kong pagod ka sa palabas na ginawa mo .. Nalaman ko sa manager mo na masyado kang abala ." ngumiti lang sya ngunit tipid. Dahil nakatingin sa kanya ang mga magulang ni Beatriz at ang dalawang kapatid ng kanyang ama . Pero hindi nagtagal ang katahimikan. Tumayo si Beatriz, nakataas ang noo at halos ipangalandakan ang singsing sa daliri. "O, sige na nga, pag-usapan na natin ang mas magandang balita!" masigla pero may halong pangmamata ang boses niya para kay Fiona .Gusto niyang inggitin ang kanyang pinsan dahil nagiging malaya sya hindi tulad nito nakadepende ang kanyang galaw dahil sikat ito . "Oo na Fiona, sikat ka bilang si Luna... pero tignan mo naman ito. Katatanggap ko lang ng alok na ikakasal ako kay David Rivas ang isa sa pinakasikat at pinakamayamang negosyante sa buong bansa!" Hindi naman pinansin ni Fiona ang pagmamayabang ng kanyang pinsan .Sa isip niya mas maganda na itong ikasal dahil kung sino sinong lalaki ang nakakarelasyon . Napatingin ang lahat kay Beatriz, at lalo lang lumaki ang kanyang ulo dahil sa paghanga sa kanya .Sobra silang humanga dahil nakuha nito ang isang taong bilyonaryo . "Sa wakas," dugtong pa nito habang nakatingin nang diretsahan kay Fiona, "makakasama ko na ang taong tunay na mayaman, tunay na makapangyarihan. Hindi katulad ng iba na puro pagod lang ang inaabot, tapos wala namang tunay na halaga kahit anong gawin. Alam mo Fiona, iba ang respeto sa taong may tunay na karapatan at yaman." Gusto na sanang sumabat ni Lolo Fedel para ipagtanggol si Fiona, pero nagpatuloy si Beatriz. "Huwag ka nang umasa na may lalaking magmamahal sa'yo nang totoo. Sila David kilala at respetado. Ikaw? Kahit anong pagpapanggap mo, alam naming ginagawa mo lang lahat para huwag palayasin. Pasalamat ka at pinapayagan ka pa ni Lo na manatili dito." Napayuko na lang si Fiona. Alam niyang hindi totoo ang lahat ng sinabi ni Beatriz, pero masakit pa rin pakinggan. Hinawakan ni Lolo Fedel ang kamay niya. "Huwag kang makinig sa kanya, apo," bulong ng lolo niya. "Para sa akin, mas mahalaga ka pa rin kaysa sa kahit anong yaman o kasikatan." Pero kahit anong sabi ng lolo niya, naramdaman pa rin ni Fiona na sa pamilyang ito, si Beatriz lang ang laging pinararangal. Tahimik siyang tumayo pagkatapos kumain, nagpaalam, at lumabas ng mansyon. Gusto na niyang makalayo kahit sandali lang sa lahat ng ingay at panghuhusga. Tumawa sya sa loob ng kanyang kotse .Kaya ba nag imbita ng dinner para yabangan sya .Inis niyang pinagsasampal ang manibela na parang iyon ang mukha ni Beatriz .Tahimik ang lahat habang kumakain kompleto silang lahat ngayon dahil bukas ay aalis na ang mga magulang ni Chloe uuwi na ang mga ito sa ibang bansa at maiiwan ang anak nila . ''Beatriz nasabi muna ba sa kanila ang tungkol sa pagiging modelo ko sa resort ?" pagkatapos niyang magsalita, biglang tumahimik ang buong paligid, at sabay-sabay na napatingin ang lahat kay Beatriz nang may halong pagtataka ang kanilang isipan . Samantala nanatiling kumakain lang si Fiona at hindi interesado sa usapan ng pamilya . Napatingin sya sa paligid at may nakita syang isang tao na may hawak na camera mukhang sa kanila ang focus nito . Nagkibit balikat sya ng kaunti dahil sa isip niya kailan pa walang camera sa pamilya nila . Si Fidel ang unang nagsalita, habang nakatitig nang masinsinan sa kanyang apo "Beatriz, hindi ba’t matagal na nating ginagamit ang pangalan at imahe ni Fiona sa halos lahat ng proyekto Kilala na siya ng marami bilang isa sa mga mukha ng ating negosyo, at sanay na ang mga tao n
Huminga nang malalim si Fiona at dahan-dahang tumingin kay Chloe, may kapayapaan sa kanyang mga mata na tila matagal na niyang tinanggap ang lahat ng bagay hindi niya hangad maging modelo ulit ito sa resort na iyon dahil nalaman niyang may naapakang tao ang kanyang pamilya .Lihim niyang tinulungan ang mga taong naagawan ng lupa dahil sa resort na iyon . "Chloe, makinig ka. Matagal na akong hindi na nag-aalala sa mga ganitong bagay. Kung ano man ang plano nila, kung ano man ang nais ipakita o gawin ni Beatriz wala na akong pakialam doon. Wala na akong panahon at lakas na ubusin ko pa ang aking isipan sa mga bagay na hindi naman para sa akin o hindi ko naman talaga kailangan. Ang tungkol sa resort, sa pagiging modelo, o sa anumang proyekto ng pamilya iyan ay inyong usapan na. Kung sa tingin niyo ay makabubuti iyon sa inyo, sige, ituloy ninyo. Ako naman ay may sarili akong landas na tinatahak at mga bagay na mas mahalaga para sa akin ngayon.,.. ''gusto niyang sabihin na pagud na sya .
Talagang sinadya ni Beatriz hintayin ang kanyang pinsan mula sa sala .Galing ito sa gym kaya medyo natagalan makauwi .Talagang nag tiis syang naghintay dahil may kakaiba syang sasabihin sa pinsan niya. "Chloe!" tawag ni Beatriz habang dahan-dahang lumalapit, maingat na inayos ang kanyang damit at buhok upang magmukhang mas maayos kaysa karaniwan. "Akala ko nakatulog kapa .. kanina pa kita hinahanap .. ''napatitig sya sa kanyang pinsan ..kung ganda ang usapan masasabi niyang pinakamaganda sa kanila si Fiona dahil naiiba ito .. masasabi niyang naiiba dahil kung mag lagay ng make up ay biglang hindi si Fiona ang mukha nito parang iba ang nagiging resulta .Di gaya nila na kahit anong kapal o uri ng make up ang kanilang ginagawa nanatili parin ang original nilang mukha .. tulad niya si Chloe ay ganun din ..naging sikat lang ito na modelo dahil magaling magdala ng mga palamuti o anumang isuot nito . .. ''. Napakaganda mo talaga ngayon hindi nakapagtataka na sa loob ng maikling panahon
Pagdating sa tapat ng pinto ng opisina, huminto muna siya sandali upang huminga nang malalim at ayusin ang kanyang sarili. Kumatok siya nang tatlong beses, at nang marinig ang malalim na boses ng matanda na nagsasabing "Pumasok ka," sigaw ng tao mula sa loob ,,dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at pumasok sa loob.Nakita niya si Fidel na nakaupo sa likod ng malaking mesa na puno ng mga dokumento, tila nag-iisip nang malalim. Nang makita si Chloe, dahan-dahang itinabi ng matanda ang kanyang hawak at itinuro ang upuan sa harap niya."Chloe apo ," bati ni Fidel nang may mahinahong ngiti ngunit may halong pagtataka,medyo napagod sya sa event kaya nagpasya syang magtungo sa kanyang opisina para doon magpahinga "Akala ko ay nasa ibaba ka at hinaharap ang mga bisita. Bakit ka nandito? Mayroon ka bang kailangan o mayroon bang hindi maganda ang nangyari sa ibaba?"Umupo si Chloe sa harap ng kanyang lolo, tumingin nang diretso sa mga mata nito at walang paligoy-ligoy na nagsimula"Lolo,


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.