Patuloy ang malakas na ulan sa labas, ang tunog ng patak sa salamin ay tila nakakaantok. Sa init ng tubig na lumalabas sa shower ay muling nagpabuhay sa pakiramdam ni Sofia. Malinis ang banyo, puno ng mamahaling toiletries na hindi pa niya nakikita. Nakakapanibago, isang taong halos kakakilala lang, tapos naliligo na siya sa bahay nito. Dapat ay naiilang siya, ngunit kakaiba ang kapayapaang hatid ng lugar. Wala siyang ka bang naramdaman. Matapos ang mahabang shower, maingat niyang nilinis ang bawat hibla ng buhok na nalaglag, itinapon sa basurahan, saka lumabas ng banyo. Sa sala, nakaluhod si Adrian sa carpet, nakasilip sa ilalim ng sofa. “Nemo, asan ka? Lumabas ka andito na ako,” mahinahon niyang tawag. “Adrian, aso ba ang hinahanap mo?” tanong ni Sofia, lumapit. Tumango siya. “Oo, takot kasi siya sa kulog, kaya nagtatago sa ilalim.” Sumilip si Sofia. Isang golden retriever, nakasiksik, nanginginig, nakatingin sa kanya na parang humihingi ng tulong. “Si Nemo ba?
Last Updated : 2026-07-18 Read more