Nakaupo si Sofia sa isang sulok ng sofa, nakatulala, hawak ang isang baso ng champagne na hindi man lang niya tinikman. Sa gitna ng mga kumikislap na alahas at magagarang damit, lalo lang siyang nakaramdam ng pag-iisa. “Sofia?” Napalingon siya. Isang pamilyar na mukha, Liam Robles, ang senior niya sa unibersidad, anak ng may-ari ng kilalang pharmaceutical company, ngayon ay researcher sa Z University. Noong estudyante pa siya, madalas siyang tulungan nito sa laboratory. Mabait, gentleman, at palaging handang tumulong. “Matagal na tayong hindi nagkita, anong ginagawa mo rito?” tanong ni Liam, sabay upo sa tabi niya. “Oh, Ikaw pala yan Liam, wala, inimbitahan lang ako ng asawa ko dito." mahinahon niyang sagot. “Kamusta kana? Balita ko isa kanang Villanueva ngayon ah, ibang-iba kana talaga. Ang layo na narating mo ah" may pantutuksong sabi ni Liam. Napangiti si Sofia, hindi niya alam ang kaniyang isasagot. Dahil hindi din siya sigurado. “Ahhmm... nasa University ka pa rin ba
Last Updated : 2026-07-15 Read more