DAISY POV Alas siyete y medya pa lang ng umaga ay nasa front desk na siya ng Romano Empire. Akala niya ay napakaaga niya pa sa iba pang mga empleyado ngunit hindi pala dahil may mas nauna na sa kanya. “Good morning, Ms. Arevalo, please come with me, kanina pa kayo hinihintay ni boss!,” bungad sa kanya ng receptionist na babae na nasa mid-thirties na ang edad at may katabaan. Nagtaka siya dahil kahapon lang ay pawang mga kalalakihan ang nasa front desk pero ngayon ay dalawang babae na hindi naman masyadong kagandahan at kaseksihan. Naitanong niya sa kanyang sarili kung nasaan na ang mga male receptionists kahapon. Nagkibit- balikat na lang siya. Eh, ano ngayon kung halos babae na ang mga receptionists. Mabuti nga iyon dahil mas nakakailang kasi para sa kanya ang mga hagod ng tingin ng mga lalakeng receptionists kahapon sa kanya. “Just tap the 16th floor that’s the executive office of the boss, Ms. Arevalo. Good luck. Sana ay magtagal ka!,” saad pa ng receptionist bago bumuka
Last Updated : 2026-09-10 Read more