DAISY POV“Ahmn— Miss, bagay ba?,” turan niya sa sales lady paglabas niya ng fitting room.“Of course, Mam, lahat nga ng nasukat mo bagay na bagay sa iyo. Pero, si Mr. Romano pa rin ang huling huhusga kung bagay ba sa kanyang panlasa,” komento pa ni Ms. Cynthia na saleslady na umalalay sa kanya.Pang- sampung sukat niya ng mga mamahaling damit at hindi niya alam kung kailan matatapos ang kanyang ginagawa. Basta paglabas niya ng fitting room ay pinapaharap siya ni Ms. Cynthia sa isang malapad na full- body length mirror.Lahat na yata ng corporate attire, casual attire at semi- formal dress ay nasukat niya na. Pati cocktail gowns ay pinasukat din sa kanya hanggang sa umabot na sa long formal gowns. Dahil sa pagod at pabalik- balik na ginagawa ay hindi niya na talaga napigilan ang sariling magreklamo.“Miss Cynthia, hindi ko na talaga kaya, ang sakit na ng mga binti at likod ko, puwede bang awat na?,” himutok niya sa saleslady paglabas niya ng fitting room.“Alright that would be good!,
Last Updated : 2026-09-15 Read more