Napakunot ang noo ni Tasha. At sa isang iglap, napalitan ng matinding galit at kawalan ng paniniwala ang maarte niyang mukha. Parang bombang sumabog ang reaksyon niya sa gitna ng tahimik at mamahaling restaurant.“Seriously, Drew? Are you fvcking kidding me right now?” halos maitapon niya ang hawak niyang wine glass pabalik sa lamesa, dahilan para lumikha ito ng matalas na kalansing na nakatatawag-pansin sa ibang mga customer. “Anong klaseng accusations ito?" Nanlaki pa ang mga mata niya habang nakatitig sa akin, na para bang ako ang pinakagagong taong nakaharap niya at this moment. "Pagkatapos mo akong hindi paniwalaan, pagkatapos mong sirain yung cellphone ko, ipahiya sa harap ng maraming tao, at palayasin sa resort, ngayon naman pagbibintangan mo akong killer? Gross! As in, seriously, Drew? Pinagmumukha mo akong demonyo!” Nananatili lang akong nakatitig sa kanya. Walang kakurap-kurap, even a single move. Hinayaan ko lang siyang mag-hyperventilate at magsisaw sa tapat ko habang
Última actualización : 2026-08-30 Leer más