Kingston Mansion, 7:00 PM"Hala! Bilisan n'yo! Thirty minutes na lang, darating na si Young Master Alexander!"Nag-echo ang boses ni Mrs. Delia, ang istriktang head housekeeper, sa buong Kingston Mansion.Lahat ng kasambahay ay parang langgam na nagmamadali. May naglalagay ng mamahaling bulaklak sa bawat sulok, may nag-aayos ng mesa, habang ang iba nama'y abala sa kusina.Sa gitna ng kaguluhan, isang babae ang maingat na naglalagay ng puting rosas sa crystal vase."Sofia! Huwag mong titigan 'yang bulaklak, hindi ka niyan yayaman!" sigaw ni Mia, isa ring maid.Napatawa si Sofia Reyes."Edi wow. Malay mo, bigla akong ampunin ng may-ari.""Ikaw? Ampunin? Baka gawing hardinero."Pareho silang natawa.Si Sofia ang pinakamasayahin sa lahat ng kasambahay. Dalawampu't dalawang taong gulang pa lang siya, pero halos anim na taon na siyang nagsisilbi sa Kingston family.Ang tatay niya ang dating driver ng pamilya.Ang nanay niya naman ay dating kusinera.Lumaki siyang halos bahay na ang Kingston
Last Updated : 2026-07-21 Read more