Beranda / Romance / The Billionaire's Secret Maid / Chapter 1 :Welcome Home, Billionaire

Share

The Billionaire's Secret Maid
The Billionaire's Secret Maid
Penulis: Asteria K.

Chapter 1 :Welcome Home, Billionaire

Penulis: Asteria K.
last update Tanggal publikasi: 2026-07-21 15:15:09

Kingston Mansion, 7:00 PM

"Hala! Bilisan n'yo! Thirty minutes na lang, darating na si Young Master Alexander!"

Nag-echo ang boses ni Mrs. Delia, ang istriktang head housekeeper, sa buong Kingston Mansion.

Lahat ng kasambahay ay parang langgam na nagmamadali. May naglalagay ng mamahaling bulaklak sa bawat sulok, may nag-aayos ng mesa, habang ang iba nama'y abala sa kusina.

Sa gitna ng kaguluhan, isang babae ang maingat na naglalagay ng puting rosas sa crystal vase.

"Sofia! Huwag mong titigan 'yang bulaklak, hindi ka niyan yayaman!" sigaw ni Mia, isa ring maid.

Napatawa si Sofia Reyes.

"Edi wow. Malay mo, bigla akong ampunin ng may-ari."

"Ikaw? Ampunin? Baka gawing hardinero."

Pareho silang natawa.

Si Sofia ang pinakamasayahin sa lahat ng kasambahay. Dalawampu't dalawang taong gulang pa lang siya, pero halos anim na taon na siyang nagsisilbi sa Kingston family.

Ang tatay niya ang dating driver ng pamilya.

Ang nanay niya naman ay dating kusinera.

Lumaki siyang halos bahay na ang Kingston Mansion.

Pero may isang tao siyang hindi pa kailanman nakikita.

Alexander Kingston.

Ang nag-iisang tagapagmana ng Kingston Group.

Future billionaire CEO.

Ang lalaking ilang taon ding nag-aral sa America.

Ayon sa tsismis ng mga maid...

Sobrang gwapo.

Sobrang talino.

At sobrang suplado.

"Totoo kaya 'yung sabi nilang mas gwapo pa raw siya sa mga Korean actor?" bulong ni Mia.

Napangiwi si Sofia.

"Naku, OA lang 'yon."

"Ewan ko sa'yo. Kapag nakita mo mamaya, baka ikaw pa unang mahimatay."

"Dream on."

Biglang umalingawngaw ang tunog ng mga sasakyan sa labas.

"He's here!"

Nagmadaling pumila ang lahat ng empleyado sa entrance.

Sunod-sunod na huminto ang mga luxury cars.

Isang itim na Rolls-Royce ang dahan-dahang bumukas ang p***o.

Una, lumabas ang mahahabang binti.

Kasunod ang isang lalaking naka-itim na tailored suit.

Matangkad.

Malapad ang balikat.

Matalim ang jawline.

At seryoso ang ekspresyon.

Tahimik ang paligid.

Kahit ang mga maid ay napatulala.

"Grabe..." bulong ni Mia.

"Totoo pala."

Napalunok si Sofia.

"Okay... medyo gwapo nga."

Parang naramdaman ni Alexander ang tingin niya.

Saglit itong lumingon.

Nagtagpo ang mga mata nila.

Isang segundo lang.

Pero sapat na para mabilis na umiwas ng tingin si Sofia.

"Ano ba 'yan..." bulong niya habang hawak ang dibdib.

"Bakit ako kinabahan?"

Hindi na siya muling tumingin.

Hindi niya napansing napatingin din muli si Alexander bago tuluyang pumasok sa mansion.

Pagsapit ng alas otso...

Nagmistulang 5-Star hotel ang buong mansion.

Crystal chandeliers.

Live orchestra.

Mga negosyante.

Politiko.

Artista.

Lahat naroon para salubungin ang pagbabalik ng nag-iisang Kingston heir.

Habang ang mga bisita ay nagsasayawan...

Tahimik namang nagseserbisyo ang mga kasambahay.

"Miss Sofia, pakuha nga po ng champagne."

"Right away, Sir."

Ngumiti siya bago mabilis na nagtungo sa bar.

Mahilig siyang ngumiti.

Kahit pagod.

Kahit minsan minamaliit ng ibang tao.

Naniniwala siyang mas magaan ang trabaho kapag may ngiti.

Sa kabilang banda...

Tahimik lang na nakatayo si Alexander habang kinakausap ng iba't ibang investors.

"Congratulations on your return."

"Thank you."

"Ready to take over Kingston Group?"

Alexander gave a polite smile.

"We'll see."

Halatang wala siyang gana sa usapan.

Mas gusto pa sana niyang bumalik sa New York kaysa dumalo sa engrandeng party na ito.

"Alexander."

Lumapit ang kanyang ina.

"I want you to meet someone."

Isang napakagandang babae ang ngumiti sa kanya.

Mahaba ang buhok.

Eleganteng red gown.

Perpektong makeup.

"I'm Victoria Beaumont."

Alexander bahagyang tumango.

"Alexander."

Ngumiti ang ama niya.

"As you both know... your engagement has already been arranged."

Tahimik ang binata.

Hindi siya sumagot.

Si Victoria naman ay tila sanay na.

"I'm looking forward to working with you... and spending more time together."

"Likewise."

Maikli.

Malamig.

Business-like.

Nang makaalis ang kanyang mga magulang, napabuntong-hininga si Alexander.

Hindi niya gusto ang ideya ng arranged marriage.

Pero wala siyang pagpipilian.

Bandang alas-diyes ng gabi...

Lumalakas na ang musika.

Sunod-sunod ang toast.

Sunod-sunod din ang alak.

"One more!" sigaw ng kaibigan niyang si Ethan.

"I think you've had enough," natatawang sabi ng isa pa.

Alexander napailing.

"Last one."

Hindi niya namalayang lampas na pala siya sa limitasyon.

Sa kusina...

"Sofia."

"Yes, Ma'am?"

"Sakit ng ulo ni Young Master. Dalhan mo ng tubig sa kwarto."

"Okay po."

Kinuha niya ang tray na may bottled water at medicine.

Hindi siya madalas umakyat sa third floor.

Doon kasi ang private rooms ng Kingston family.

Habang naglalakad sa mahabang hallway, napakunot-noo siya.

"Room... 301 ba o 302?"

Pare-pareho kasi ang itsura ng mga p***o.

"Hay naku..."

Huminga siya nang malalim.

"Bahala na."

Dahan-dahan niyang binuksan ang isang p***o.

Madilim ang kwarto.

Tanging ilaw ng buwan ang pumapasok sa malaking bintana.

"Young Master?"

Tahimik.

Lumapit siya sa bedside table para ilapag ang tubig.

Biglang bumukas ang p***o ng banyo.

Lumabas si Alexander.

Bahagyang basa pa ang buhok.

Nakatiklop ang manggas ng puting polo.

Mukha pa ring gwapo...

Pero halatang hilo sa dami ng nainom.

Malabo ang kanyang paningin.

Nakita niya ang pigura ng isang babae.

Mahina siyang ngumiti.

"...Victoria?"

Nagulat si Sofia.

"H-Ha? Sir, tubig po—"

Napahawak si Alexander sa ulo niya.

"Everything's spinning..."

Mabilis na lumapit si Sofia.

"Sir, careful."

Nawalan ng balanse ang binata.

Agad niya itong inalalayan bago tuluyang bumagsak.

Sandaling nagtagpo ang mga mata nila.

Hindi nawala ang ingay ng party sa ibaba.

Pero sa kwartong iyon...

Parang sila lang ang tao sa buong mundo.

At sa labas ng silid...

Dahan-dahang nagsara ang p***o.

To be continued...

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Billionaire's Secret Maid    Chapter 13: The Watch

    Hindi agad nakagalaw si Sofia.Nakatitig lamang siya sa silver watch na naiwan sa kalsada.May mantsa ito ng dugo.At sa likod nito...D.R.Daniel Reyes.Ang kanyang ama."Don't touch it," sabi ni Alexander.Napatingin siya rito."Why?""We don't know if it's safe."Napatingin muli si Sofia sa relo."That's my father's initials.""I know.""Then I need to know where it came from."Alexander glanced at the dark road where the black car had disappeared."That's exactly why we shouldn't rush.""Alexander...""Sofia."Natahimik siya.Hindi niya gusto ang tono nito.Hindi dahil galit ito.Kundi dahil alam niyang natatakot ito.At sa unang pagkakataon, napansin niya kung gaano kalalim ang pag-aalala sa mga mata nito."Please," sabi ni Alexander. "Let me handle this."Napabuntong-hininga si Sofia."I've been told that my father is dead for fifteen years."Alexander didn't answer."Then someone told me he's alive."Humakbang siya palapit sa relo."And now this appears outside my house.""Your

  • The Billionaire's Secret Maid    Chapter 12: The Truth About Daniel Reyes

    Hindi agad nakapagsalita si Sofia.Nakatayo lamang siya sa harap ni Alexander habang pilit pinoproseso ang sinabi nito."Someone who knows your father."Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang mga salitang iyon."My father is dead," mahina niyang sabi.Hindi agad sumagot si Alexander.Hindi niya alam kung paano sasabihin ang narinig niya sa tawag."Are you sure?"Napatingin si Sofia sa kanya."Yes.""How?"Napayuko siya.Hindi niya gustong pag-usapan ang gabing iyon.Hindi niya gustong bumalik sa mga bagay na matagal na niyang pilit kinakalimutan."My mother told me.""And you believed her?"Napatitig si Sofia sa kanya."Why wouldn't I?"Alexander didn't answer.Dahil hindi rin niya alam kung bakit siya nagdududa.Pero may isang bagay siyang naramdaman.May mali.Hindi lamang sa memory niya.Kundi sa buong kwento ng nakaraan."I saw him," sabi niya.Nanigas si Sofia."What?""Your father."Mabilis na umiling si Sofia."No.""Alexander—""I don't know if it was a real memory."Napati

  • The Billionaire's Secret Maid    Chapter 11: The Man Outside the Mansion

    "So she's finally back."Tahimik na nakatingin ang lalaki sa Kingston mansion.Matagal na niyang hinintay ang araw na iyon.Labinlimang taon.At ngayon, nasa loob lamang ng mansion si Sofia.Hindi niya alam kung paano ito nakaligtas.Hindi niya rin alam kung bakit bumalik ito sa buhay ni Alexander.Pero alam niyang hindi iyon maaaring maging coincidence.Muli niyang tiningnan ang lumang litrato sa kanyang kamay.Isang batang lalaki.Isang batang babae.At sa pagitan nila, isang maliit na jade pendant.Dahan-dahan siyang napangiti."Let's see if you still remember me."───Sa loob ng kwarto ni Sofia, hindi pa rin nagsasalita si Victoria.Nakatayo lamang siya sa harap ng dalaga habang hawak ang lumang sulat."You knew Alexander."Hindi na nakapagkunwari si Sofia.Dahan-dahan siyang tumango."Yes."Victoria's expression changed."How long?""Since we were children.""Why didn't you tell him?"Napayuko si Sofia."Because he doesn't remember me.""Or because you don't want him to remember?

  • The Billionaire's Secret Maid    Chapter 10: Fifteen Years Ago

    "So, Sofia..."Tahimik na nakatingin si Victoria sa litrato sa kanyang cellphone."You and Alexander knew each other before."Hindi niya agad maalis ang tingin sa larawan.Malabo na ang kalidad ng picture dahil luma na ito, pero malinaw pa rin ang dalawang batang nasa gitna ng garden.Isang batang lalaki.At isang batang babae.Sa leeg ng batang babae ay nakasabit ang jade pendant.Hindi na niya kailangang hulaan kung sino ang mga ito.Ang batang lalaki ay si Alexander.At ang batang babae...Si Sofia.Nanginig ang kanyang mga daliri habang binabasa ang kasunod na impormasyon na ipinadala ng kanyang assistant.The photo was taken fifteen years ago at the Kingston family's old summer estate.Victoria's eyes widened.The old summer estate.Isang lugar na halos hindi na pinag-uusapan ng pamilya Kingston.Isang lugar na matagal nang sarado.At isang lugar na hindi naaalala ni Alexander."Why were you there?"Hindi niya alam kung si Sofia ba ang tinatanong niya o ang sarili niya.Muli niya

  • The Billionaire's Secret Maid    Chapter 9: The Memory

    "Have we met before?" Nananatili sa hallway ang tanong ni Alexander. Hindi agad nakasagot si Sofia. For a few seconds, wala siyang ibang narinig kundi ang mabilis na tibok ng sarili niyang puso. Hindi niya alam kung ano ang mas kinatatakutan niya—ang maalala ni Alexander ang nakaraan, o ang tuluyang makalimutan siya nito. "Why are you asking me that, Sir?" tanong niya, pilit na pinapakalma ang boses. Hindi inalis ni Alexander ang tingin sa kanya. "I don't know." "Then maybe it's just a coincidence." "Maybe." Pero hindi siya kumbinsido. Hindi niya maipaliwanag kung bakit sa tuwing kasama niya si Sofia, may kakaibang familiarity siyang nararamdaman. Parang matagal na niya itong kilala. Parang may bahagi ng kanyang memory na pilit sinusubukang bumalik. At ang pinaka-nakakainis? Hindi niya alam kung bakit parang natatakot siyang malaman ang sagot. Napatingin si Sofia sa hawak niyang mga damit. "These are for the gala." Alexander looked at them. "You don't have to bring them

  • The Billionaire's Secret Maid    Chapter 8: The Jade Pendant

    Hindi nakatulog nang maayos si Victoria nang gabing iyon. Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang jade pendant na hawak ni Alexander. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang ang naging reaksyon ni Sofia nang makita iyon. Pero malinaw sa kanya ang isang bagay. May koneksyon ang pendant sa dalaga. At kung may koneksyon man iyon sa past ni Alexander, kailangan niyang malaman bago pa maging mas malalim ang relasyon ng dalawa. Maagang-maaga pa lamang ay nasa opisina na si Victoria. Nasa harap niya ang ilang dokumento at ang laptop ng kanyang assistant. "Any updates?" tanong niya. Umiling ang assistant. "We're still checking, Miss Beaumont. We found some information about the Kingston family's old records, but nothing directly connected to the pendant." Victoria frowned. "Keep looking." "Yes, Miss." Nang umalis ang assistant, muli niyang tiningnan ang cellphone niya. May litrato roon ng jade pendant na kinuha niya kagabi. Simple lang ang itsura nito. Isang maliit na jade pe

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status