ZOREIGN'S POV:Habang abala kami na nanonood ng movie nina Mom, Dad at Kuya ay may dumating na tauhan.“Señorito Zion, may mga reporter sa labas ng guard house.” pag-inform nito.Dahilan para buksan ni Kuya ang cellphone niya na connected sa lahat ng mga CCTV sa kabuuan ng mansyon.Dahil dakilang marites ako ay nakisilip ako sa cellphone niya.Nagulat na lang kami na marami nang reporter sa labas ng mansyon. May CCTV camera kasi na nakalagay din sa may guard house. Nagpupumilit ang mga ito na pumasok.“Bakit nagkakagulo sila sa labas, Zion?" nakakunot-noong tanong ni Daddy.Napabuntong-hininga si Kuya. “George, alamin niyo ang dahilan kung bakit may mga reporter sa labas ng mansyon." saad niya saka napahilamos sa kanyang mukha, na para bang dumagdag pa ito sa problema namin na kinakaharap.“Copy, Señorito!" saka na ito nagmamadaling umalis, kasama ng iba pang mga tauhan ni Kuya.“Sa palagay ko, yung nangyaring engkwentro kahapon ang dahilan kung bakit may mga media sa labas." seryoson
Terakhir Diperbarui : 2026-10-26 Baca selengkapnya