ZOREIGN'S POV:“Let's talk." pautos na saad ni Sienna, wala man lang pakiusap, nang madatnan ko siya sa sala.Dahilan para mapairap ako sa ere. Galing ako sa kwarto ni Taffy, ang alagang pusa ni Caius. Pinabantay niya ulit sa akin dahil balik sa trabaho na naman si mokong.“Para saan? Marami akong gagawin, Sienna. Kung makikipag-away ka na naman, pwede ba? Lubayan mo na ako." naiiritang saad ko.Saka nag-meow si Taffy habang karga ko siya. Para bang naiirita din sa presensya ng babae na ‘to.“Huwag kang masyadong magpakampante, boyfriend nga naagaw, asawa pa kaya?" mapang-uyam na saad niya nang tumayo siya mula sa pagkakaupo sa sofa.Umismid ako saka napatawa.“Edi agawin mo, tutal trabaho mo naman yata ang maging mang-aagaw at kabit." pang-aasar ko.Napabuga siya ng hangin saka sinamaan ako ng tingin."Bakit? Sino bang nang-agaw sa ating dalawa? Hindi ba't ikaw? Nilandi mo siya! Ginapang mo siguro sa kama kaya pinakasalan ka niya!” gigil na saad niya.“Hoy!" sabay duro ko sa kanya,
Terakhir Diperbarui : 2026-10-04 Baca selengkapnya