ZOREIGN'S POV:Paggising ko nang umaga na yon ay nagulat pa nga ako na katabi ko si Caius sa kama. Dahilan para mabilis na bumalikwas ako ng upo. Saka lang nag sink-in sa utak ko ang lahat.Oo nga pala, magkatabi na kaming natutulog sa kwarto niya. Oo nga pala, ako na si Mrs. Hawthorne.Dahilan para imulat niya ang namumungay niyang mga mata. Nagising siya dahil sa akin.“Hmmm… Morning, Mrs. Hawthorne.” sabay ngisi niya.Imbes na bumangon ay itinukod pa niya ang isang siko sa kama habang nakatagilid, paharap sa akin."Loving the view, hmmm…?" malokong saad niya.Imbes na magpadaig ay taas noo ko siyang hinarap. Gumapang ako papalapit sa kanya, saka hinaplos ng marahan ang matikas niyang dibdib.Wala kasing suot na pang-itaas ang mokong, kaya heto at lantad ang maganda niyang katawan. “Sobra! Kulang na lang ay kape para pang pares sa mga matitigas mong pandesal!" kunwari’y kinikilig na saad ko.Dahilan para tumaas-baba ang adam's apple niya. Naapektuhan ba siya sa mga haplos ko?Kalau
Last Updated : 2026-09-25 Read more