ZOREIGN'S POV:Naramdaman ko na may papalapit na yabag dito sa terrace, habang ako ay nakatanaw sa kawalan. Hindi ko na napapansin ang kagandahan ng buwan at mga bituin sa kalangitan dahil sa sobrang lalim ng iniisip ko.“Oh! Zoreign! Nandito ka rin pala…” masaya at may halong gulat na saad ni Xavier.Dahilan para mahimasmasan ako, saka napabaling sa kanya na nakahilig din sa terrace.“Oo, naimbitahan din. Gusto raw akong makita ni Lola sa birthday niya." sabay kibit-balikat ko.“Sabagay, asawa ka nga pala ni Caius…" saka siya napangiti ng mapait.Dumaan ang sakit sa mga mata niya.“Kumusta ka?" pag-iiba ko ng topic dahil ayokong maging awkward ang pagitan naming dalawa.“I guess I’m okay?" hindi siguradong saad niya.Napatawa ako ng pagak. “Bakit hindi ka naman sigurado sa sagot mo?”"May hinahanap kasi ako na kulang sa buhay ko. Oo mayaman ako, may looks, pero mayro'ng puwang sa puso ko,” sabay baling niya sa akin at tinitigan niya ako na para bang may gusto siyang ipahatid na mensa
Terakhir Diperbarui : 2026-10-15 Baca selengkapnya