-Daisy-Nahiga ako sa tabi ni River, at halos wala pang ilang segundo ay agad niya akong hinila palapit sa kanya at mahigpit na niyakap.Napangiti ako nang bahagya. Parang ayaw na niya akong pakawalan ah.Maya-maya pa ay unti-unti nang naging pantay ang paghinga niya. Ilang sandali pa ang lumipas bago tuluyang bumigat din ang mga talukap ng mga mata ko.At bago ko pa man namalayan, nakatulog na rin ako sa bisig niya.Kinabukasan, ang unang naramdaman ko pagkamulat ko ay ang pananakit ng buong katawan ko.Para akong binugbog. Napapikit ako habang pilit na iniunat ang katawan ko, pero lalo lamang akong napangiwi. “Ouch…”Pero nang biglang bumalik sa isip ko ang mga nangyari kagabi, agad uminit ang mukha ko. Oh, God!Napakagat ako sa labi at dahan-dahang napalingon sa katabi ko, at agad bumungad sa akin ang napakagwapong mukha ni River.Mahimbing pa rin siyang natutulog. Magulo ang buhok niyang bahagyang tumatabing sa noo at mga mata niya, habang kalmado ang mukha niyang parang walang na
Last Updated : 2026-09-18 Read more